Chapter fifteen

1.5K 78 2
                                    

Puno ng meetings, meet-ups at run errands ang nangyari ngayong araw kasabay ng walang tigil na pagtawag ng mga kliyente. Hindi ko muna isinama ang personal kong interes sa trabaho dahil tambak talaga ito simula nang nag-leave kami ni Sir Craig makaraang araw lang.

Bagaman propesyonal ang aking dating, hindi maiwawaglit ang katotohanang sumasagi pa rin sa isip ko ang nasaksihan at narinig kanina. Naghalo-halo sa aking isipan na may posibilidad na tama ang tsismis na nasagap ko lang din kay Troy.

'Yung pills. 'Yung pagsigaw niya. Mga ugat na nagsisilantaran sa leeg niya. Ilan sa mga pagkakataong hindi ko maipaliwanag ang mga ikinikilos niya.

Pero kahit ganoon, bakit pakiramdam ko'y apektado ako sa sitwasyon? Kung may sakit nga talaga si Craig, anong magiging papel ko? Ayokong humantong sa punto na 'yung kuryosidad ko ay mapunta sa pangingialam.

Umiling ako't nagpatuloy na lang sa pagtatrabaho. Hindi ito ang tamang oras para alalahanin ang ganitong bagay.

Napagawi ang aking tingin nang tumayo si Sir Craig sa kinauupuan. Tinanong ko siya kung saan siya pupunta at sinabing pinapatawag siya ng president. Inalok ko siyang samahan siya ngunit ito'y tumanggi. Tumango na lang ako at sinundan ang papaalis niyang pigura.

Saktong paglabas ay siya namang pagpasok ng lalaking kausap ni Sir Craig kani-kanina lang. Lumapit siya sa akin sabay hila ng upuan sa harap ng aking lamesa.

Kung titingnan, hindi mo masasabing magkapatid sila dahil magkaiba ang kanilang postura. Si Craig ay medyo moreno habang siya naman ay napasobra sa kaputian. Tanging pagkakahawig lang nila ay ang kanilang mga mata. Parehas silang may hush brown na kulay, bilugan at mapipilantik na pilik-mata.

"So you must Ken Felicidad, am I right?" Ipinag-cross nito ang dalawang paa at binigyan ako ng malawak na ngiti.

"Yes po, sir." Nahihiya akong tumango at iniwan muna ang ginagawa. Patapos na naman ako kaya hindi na masyadong hassle kung kakausapin ko muna ang kuya ng boss ko.

"Drop the formality. Call me Brent or Kuya Brent. It's nice to finally meet you, Ken." Inilahad nito kaniyang kamay na kaagad ko namang dinaluhan.

"Kilala niyo po ako?"

"How can I forget your name if my little brother always mentions you? And besides, I have some candid photos of yours. From my brother...too."

Biglang nagsitaasan ang balahibo sa aking braso. Hindi ko alam kung anong ire-react ko dahil base sa kaniyang pagkakasabi, mukhang alam na nila ang bawat detalye ng buhay ko. Mukhang isang maling galaw ko lang, may mangyayaring masama sa akin.

Kinilabutan ako sa aking iniisip kaya pilit ko itong inaalis. Hindi naman yata sila mamamatay-tao.

"Oh, I'm sorry. Did I scare you? Don't worry, I will not do anything bad to you. I'm harmless. But my brother, I don't think so..."

Kung kanina ay pinagpapawisan lang ako, ngayon naman ay parang tumigil ang sirkulasyon ng dugo ko sa mukha na nagpamutla nang husto sa akin. Seryoso ba siya?!

Ilang saglit ay napuno ng halakhak ang silid na nanggagaling kay Kuya Brent. Para siyang bata kung tumawa dahil napapahampas pa ito sa tiyan. Hindi ko alam kung anong trip nito pero sinabayan ko na rin siya sa pagtawa. Magkapatid nga sila ni Sir Craig. Hindi mo malaman kung anong emosyong ipinapakita.

"Just kidding! You got scared easily. No wonder why Ken is so addicted to you. You're very innocent and easy to read."

"But let's talk now seriously. I know you saw us talking earlier, right?"

Tumango ako rito.

"I'll tell it to you straightly... Ken has anxiety disorder. Clinically, he has Obssessive Compulsive Disorder or OCD in which this person has uncontrollable or compulsive behaviors that he urge to repeat over and over. For now, he's taking pills to control himself."

Nanatili akong nakatingin lang sa kaniya at pilit inaabsorba ang mga nalaman tungkol sa kalagayan ni Sir Craig. Hindi ako makapaniwala na totoo palang may sakit siya.

"For the past years, he survive to control his abnormal behavior and now acting like he is normal. I thought magtutuloy-tuloy na ang paggaling niya but then suddenly, he shows again the signs and symptoms of his disorder. He's always awake at night, murmuring a specific word--name exactly. He's always uneasy and hurting himself if he can't get what he wants."

"It's like, there's something triggered him. Triggered his untamed behavior..." Tumingin siya sa aking mga mata. Nagbibigay ng pahiwatig na kapain ang sulok ng aking isip at intindihin ang nais sabihin.

Bumilis ang pagtibok ng aking puso at sa tingin ko'y alam ko na ang susunod niyang sasabihin.

"It's all because of you. You triggered him."

Craig's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon