Pagsapit ng hatinggabi, isa-isang nagsibukasan ang mga ilaw at lampara sa loob at labas ng mansyon. Makulimlim ang paligid habang ang mga kulisap ay nagsisihimigan, nagbabadya na may paparating na bagyo.
Sa kulob na kusina, para kaming may orasyon sa lumalalim na pagkakakilanlan ng bawat isa na naudlot sa pagpasok ni Manang Josefina.
"Ate Bertha, pasuyo muna si Carlo." Pakiusap ko bago liban ang kusina. Ngayon ay nakabuntot ako sa likod ni Manang Josefina para harapin ang mag-aamang Pendleton.
"Hijo, ayos ka lang ba?" Hindi ko namalayang tumigil pala sa paglalakad si manang. Humarap ito sa akin nang may pag-alala.
"Namumutla ka't nanginginig. Nilalamig ka ba?" Untag nito sabay inilapat ang kamay sa aking noo.
"M-medyo po. Pero manang, bakit po ako pinapatawag?"
"Aba'y ewan ko kay Brent. Inutusan ako ng batang 'yon na sunduin ka't ipatawag."
"Eh ang senyor?"
"Iyon din ang hindi ko alam. Bueno, huwag nang maraming tanong. Kanina pa tayo hinihintay." Pinal nitong saad at muling nagpatuloy sa paglalakad.
"Ay, muntik ko nang makalimutan. Kukuha muna ako ng isang balot ng kandila sa storage room. May paparating na bagyo kaya mapuputulan tayo ng kuryente. Paalalahanan mo rin sina Bertha pagkabalik mo." Nagmamadali itong bumalik at sinabing mauna na akong pumunta kina Kuya Brent.
"Pero manang--ahh!!" Sigaw ko nang biglang mawalan ng ilaw sa buong pasilyo. Unti-unti ay lumalakas ang pagpatak ng ulan hanggang sa sundan ito ng pagkulog. Sinubukan kong linawan ang aking mata pero purong kadiliman lang sa nasisipat ko.
"Manang?" Tawag ko sa kawalan habang kumakapa sa dilim. Kinapkapan ko ang aking sarili at nagbabakasakaling nasa bulsa ang telepono. Sa kasamaang palad, nakasilid iyon sa bag na ngayon ay nasa aming kwarto.
Pinagpawisan ako nang malala dahil hindi ako nakakatagal sa ganitong sitwasyon, lalo na't madilim at wala akong nakikita. Naghahalo ang takot at pangamba dahil likas akong matatakutin.
Patuloy lang akong sa pagkapkap nang sa wakas, may kakaibang bagay akong nahawakan.
"Ano 'to?" Inusisa ng aking kamay ang nakalapat na bagay. Unti-unti ay pinadausdos ko ang aking palad pababa hanggang sa makaramdam ako ng bako-bako na parang bato.
"Jusko, abs ba 'to?"
Maglalakbay pa sana ang aking kamay pababa sa hindi pamilyar na bagay nang pigilan din ito ng isa pang kamay. Nanlaki ang aking mata at literal na nagsitaasan ang balahibo sa katawan.
"Off limits. That's my private part of my body." Bulong nito sa kaliwa kong tenga.
"S-sir Craig?!"
Mariin akong napapikit sa pag-ilaw ng flashlight nito sa cellphone at ito'y itinapat sa kaniyang mukha. May mapaglaro itong ngisi habang nakahawak sa makasalanan kong kamay.
"P-pasensya na po!" Hindi ko maitago ang kahihiyan sa ginawang pagkapkap sa kaniyang katawan. Kung pwede lang manlamon ng tao ang lupa, kanina pa sana akong wala.
"Nah, as long as you're enjoying it, pwede kong ipahawak ang katawan ko sa'yo. But that part..."
Hindi ko alam pero parang may buhay ang aking mata at sinundan ang tingin papunta sa suot niyang brief boxer. Napasinghap ako dahil may kung anong bagay ang nakausli doon.
"Pupunta rin tayo sa exciting part...if you want."
To be continued...
_
Jusko mahabagin Ken, pababoy ka na nang pababoy! Naughty Ken 2.0 na ba dizz????
Pero sanaol may nakapkap na abs,,, charizz!!!!!
Happy 5k reads, beautiful people!!! Nakakaengganyong magsulat kapag maraming readers ang nag-aabang❤️❤️❤️🤩
BINABASA MO ANG
Craig's Obsession
Short StoryObsession #1 Elvis Craig Pendleton is an obsessive person. His behavior turns into madness when he met the poor boy, Ken. That madness pushes him to keep Ken on his arms. And no one can touch him, even his heart and his soul. Because Ken is now Crai...