Maagap akong pumanhik papasok ng mansyon upang sundin ang inuutos sa akin ng senyorito. Narinig ko pang tinawag ni Kuya Brent ang pangalan ko pero hindi ko na nagawang lingunin ito dahil sa pagmamadali. Hindi ko pa rin kasi napoproseso kung bakit parang mainit ang dugo sa akin ni Senyorito Vincent gayong malinis ang intensyon kong tulungan si Sir Craig mula sa pagkakalasing. Inisip ko na lang na baka lasing din ito kaya medyo iba ang pakikitungo nito sa tao.
Pagkapasok ko sa loob, kaagad kong hinanap si Ate Bertha para humingi ng palanggana at bimpo. Kasalukuyan itong nagsasalansan ng mga plato dahil katatapos lang nilang magmeryenda. Mabuti na lamang at tapos na siya sa kaniyang trabaho kaya malaya kaming nakakapag-usap.
"Aanhin mo naman, Ken? Sandali, may sakit ka ba?" napatigil si ate sa kaniyang ginagawa sabay hinipo ang aking noo. Napangiti ako't umiling.
"Hindi po para sa akin 'yan, para iyan kay Sir Craig. Nakainom po kasi kaya lilinisan daw ni senyorito," sagot ko naman at tinulungan siyang lagyan ng mainit na tubig ang pinggan para maging maligamgam ito.
"Oh? Eh bakit siya ang gagawa 'non? Hindi ba't trabaho mo 'yon?" pabalik niyang tanong na tila nagugulumihanan.
"Eh iyon kasi ang utos sa akin ng senyorito. Inalok ko nang ako na ang gagawa 'non pero nagpumilit na siya na lang daw. Alangan naman pong suwayin ko ang utos niya, baka ako pa ang mapagalitan."
"Sa bagay, ilang araw na rin naman siyang parang linta na nakadikit kay Senyorito Elvis kaya hindi mo talaga masisisi. O siya, dalhin mo na 'yan para maasikaso mo ang kapatid mo. Tiyak parating na iyon kasi ganitong oras din dumadating si Berto," huling sambit ni Ate Bertha bago niya ako ilakad papunta sa silid ni Sir Craig. Tumango ako rito at nagpasalamat sa tulong.
Inakyat ko ang hagdan at ilang sandali pa'y narating ko na ang tapat ng kuwarto ni Sir Craig. Kumatok ako nang tatlong beses bago ko buksan ang pintuan. Pagkabukas, una kong nadatnan si Senyorito Vincent na nakapatong sa ibabaw ni Sir Craig at kaniyang tinatanggal isa-isa ang mga butones sa suot nitong polo. Sinikap kong hindi gumawa ng kahit anong reaksyon sa aking nakikita kahit hindi na mismo ako nagiging komportable sa sitwasyon.
Lumakad ako papalapit sa kanila at ibinaba ang dala-dala sa side table ng kama. "Ito na po 'yung hinihingi niyo senyorito," magalang kong turan pagkatapos ay inabot sa kaniya ang bimpo. Pasimple kong tiningnan si Sir Craig pero ito'y nakapikit at papaling-paling ang ulo.
Hindi ko namalayan na napatagal ang dapat sanang nakaw ko lamang na tingin nang tumikhim sa aking harapan si senyorito Vincent. Nakaarko ang isang kilay nito na tila nagtatanong kung bakit hindi pa ako umaalis. Bago pa ako paghinalaan ng kung ano, nagpaalam na ako na aalis na sa silid at pinaalalahanan na tawagin lang ako kung kailangan ng tulong.
"Maiwan ko na po kayo," litanya ko bago tumalikod sa kanilang dalawa. Makailang hakbang pa lang ang aking nagagawa nang tawagin ni senyorito ang pangalan ko.
"May iba pa po kayong kailangan?"
"Actually, I have." Sagot niya at unti-unting sumilay ang kaunting ngiti sa kaniyang labi. Lumapit ako rito at tinanong kung ano pa ang ipag-uutos.
"Since you insisted na asikasuhin si Craig, I thought it wouldn't be bad if I got some assistance. So, I let you do what you need as his caregiver." Sabi nito pagkatapos ay sinenyasan ako na basain ang bimpo at pigain.
Ginawa ko naman ang nais niyang mangyari kaya puro tango na lamang ang aking naisasagot. Inuna kong punasan ang mukha ni Sir Craig na nagpamulat nang kaunti sa kaniyang mata. Dala ng kalasingan, kita ko ang kaniyang pagod na miski ang pagbuka ng bibig ay hindi niya magawa.
Siniguro kong magiging presko ang kaniyang katawan pagkatapos kong muling ibabad ang bimpo sa tubig at piniga nang katamtaman. Akin na sanang sisimulan ang paghagod nito sa kaniyang leeg nang agawin ito ni Senyorito Vincent mula sa aking kamay.
"That's enough because I'll do the rest. Now, I want you to sit back and just watch me on how to clean this man properly," itinuro niya sa akin ang upuan na direktang nakaposisyon sa gitna ng espasyo, malapit sa kama. May pag-aalinlangan akong sumunod at hinayaang kahit gustong-gusto ko nang lumabas.
Sinimulan ni Senyorito Vincent ang pagpupunas sa leeg pababa sa tiyan ni Sir Craig. Nahuli ng aking mata ang paghagod ng isa nitong kamay at nagulat ako nang nilaro ng kaniyang daliri ang nakausling utong sa katawan ng dinadag-anan. Napakapit ako sa aking inuupuan nang marinig ko ang unti-unting pag-ungol ni Sir Craig dala ng nararamdamang sensasyon.
"W-what are you doing?" may pagkagaralgal na tanong ni Sir Craig dito.
"Nothing. I'm just trying to clean you nicely. Are you enjoying this, Craig?"
Hindi kaagad ito sumagot subalit hinila niya ang senyorito at siya naman ang pumaibabaw rito. Ang mga kamay nito'y nakapulupot sa kaniyang baywang habang ang isa ay sa leeg.
"Fucking yeah," ang huling salita ni Sir Craig bago niya simulang halikan ito nang agresibo. Rinig na rinig sa apat na sulok ng kuwarto ang tunog ng kanilang halikan na parang wala nang bukas. Habang patagal nang patagal, umaalab ang kanilang tagpo dahil sa kasabikan na kanilang nadarama.
Naglalaban sa utak ko kung tatayo na ba ako para umalis o manatili sa kinaroroonan habang nasasaksihan ang nagpapasikip ng aking dibdib. Pero makaraan ang ilang saglit, namalayan ko na lamang na tumatakbo ako pababa ng hagdan at tila hirap na hirap sa paghinga.
Tulad ng palanggana, basang-basa ang aking mukha hindi dahil sa napupuno ito ng tubig; kundi dahil sa luha na kanina pang gustong lumabas. Paulit-ulit na rumerehistro sa aking isipan ang tagpong hindi ko kailan man inaasahan na makita nang harapan.
Ang alam ko lang, durog na durog ako.
BINABASA MO ANG
Craig's Obsession
Short StoryObsession #1 Elvis Craig Pendleton is an obsessive person. His behavior turns into madness when he met the poor boy, Ken. That madness pushes him to keep Ken on his arms. And no one can touch him, even his heart and his soul. Because Ken is now Crai...