Happy 4k reads!! Grabe naman, beautiful people!!! Let's reach 5k reads naman then I'll post the next chappy!!
Enjoy reading!❤️❤️
_
"Manang Selma, paabot nga po ng toyo at pamintang buo." Mabilis nitong inabot sa akin ang sangkap na parehas na nasa maliit na sisidlan. Dahan-dahan kong hinuho ang toyo't paminta sa nilulutong putahe at muli itong hinalo. Tinikman ko kung ayos ba ang pagkakatimpla pero hindi ako sigurado kung swak ito sa panlasa ng senyor at ng magkapatid.
"Anak, napakabango naman ng niluluto mong adobo. May kulang pa bang sahog?" Lumapit si manang sabay dungaw din sa kalan. Sumandok ako ng kaunting sabaw at ito'y hinipan. Inilapit ko ang sandok sa kaniyang bibig para siya'y patikimin.
"Aba'y napakasarap! Paniguradong magugustuhan ito ng mga alaga ko at ng senyor. Bertha, maghain ka na ng plato't kutsara. Kami nang bahala dito ni Ken." Napapalakpak pa ito sa tuwa at hindi magkadaugaga sa muling pagtikim ng aking niluto.
"Si manang, nambola pa. Tiyak namang mas masarap kayong magluto kumpara sa akin." Napailing ako at hindi mapigilang mapangiti sa kantiyawan nina manang at Ate Bertha. Saktong mag-aala siyete na ng hatinggabi kaya tinawag na ni Manang Josefina ang mga amo para pumunta sa hapag kainan.
Matapos nga ang ilang minuto ay nanuot na ang lasa sa manok. Luto na ito kaya isinalin namin sa babasaging mangkok ang ulam. Umaalimusok ang amoy nito at walang tigil sa pagpuri si manang na tiyak daw magugustuhan ito ng mga Pendleton.
"Manang Selma, pwede po bang kayo na ang magdala niyan sa senyor? Kailangan ko po kasing tingnan 'yung kapatid ko."
"Walang problema, anak. Mabuti pa nga't tingnan mo na si Carlo. Alam kong gutom na ang paslit na iyon. Basta't dumiretso kayo rito para sabay-sabay tayong kumain."
"Sige po manang, salamat po." Nauna nang lumabas sa kusina si manang habang ako naman ay lumikong pakanan para puntahan ang maid's quarter. Nabanggit sa akin ni Manang Selma kanina na sa gawing dulong silid ang aming tutuluyan at nandoon na rin daw ang aming mga gamit.
Hindi ko na muna inabala si Manang Josefina dahil alam kong busy siya gayong biglaan nga raw ang pagpunta ng presidente. Naudlot man ang kataka-takang inutos niya sa pagsilip ng kwarto ni Sir Craig ay hindi ko na muna inisip pa. May susunod pa namang pagkakataon at makikita ko rin iyon sa mga susunod na araw.
Naabutan kong nagtatalon sa kama si Carlo pagkabukas ko ng aming kwarto. Tumigil ito at lumapit sa akin. "Kuya, ang laki po ng kwarto natin! Ang lambot din po ng kama. Tsaka po may tv! Pwede po ba akong manood?" Bungad nito sa akin na hindi maitago ang saya sa pagsasalita.
"Oo naman pero kumain muna tayo. Hindi ka ba nagugutom?"
"Gutom na po." Ang sagot ni Carlo bago hinawakan ang parteng tiyan.
"O siya, tara na. Huwag kang magtatatakbo sa pasilyo. Nandiyan ang tatay nina kuya pogi mo at kuya astig. Ayaw nila sa magulong bata." Mabuti na lang ay sumunod ito sa utos ko kaya matiwasay kaming nakapunta sa kusina.
Doon na nagtipon-tipon sina Manang Selma, Ate Bertha at Kuya Manuel (drayber) na 'di kalauna'y niyaya kami para kumain din. Isinampa ko si Carlo sa upuan at sinandukan ito ng adobo't kanin.
"Si Manang Josefina po?"
"Ay naku Ken, huwag mo nang hintayin si Manang Josefina. Huli talaga iyon kung kumain dahil siya ang nagsisilbi kina senyor. Ganito lagi ang routine namin kapag nadating ang presidente. Dito kami sa kusina habang siya naman ay nakadestinong maglingkod sa labas. Pero, kapag wala ang senyor, sumasabay kami sa magkapatid na kumain." Mahabang turan ni Ate Bertha na tuloy pa rin sa pagsubo ng pagkain. Napatango na lang ako at ako'y kumain na rin.
"Matanong ko lang Ken, anak, ano bang trabaho mo sa kompanya ng Pendleton?" Singit ni manang sa usapan.
"P.A. ho ako ni Sir Craig. Pero 'nung malaman kong may anxiety disorder siya, nirekomenda ni Kuya Brent na maging caregiver na lang niya. A-alam niyo naman po siguro 'yung kalagayan ni Sir Craig, tama po ba?"
Sabay-sabay silang napatango at makikitaan ng pag-aalala sa mga mata.
"Napakasensitibong talakayan niyan lalo na dito sa mansyon. Gusto naming iparamdam kay Craig na normal siya katulad ng ibang tao. Hindi lang namin maintindihan kung bakit lumala ang kalagayan niya nitong nagdaang araw. Salamat sa diyos at ikaw ang napili ni Brent na umalalay sa kapatid niya."
Bigla akong nakaramdam ng tensyon sa katawan dahil hindi nila alam na ako ang dahilan kung bakit lumala ang OCD ni Craig. Hindi man sinadya, may parte sa akin na responsibilidad kong tulungan siyang gumaling at iyon mismo ang gagawin ko.
"Ken," patuloy kami sa pag-uusap nang sumulpot si Manang Josefina sa pinto. Naagaw nito ang atensyon namin, lalo na ako.
"Ako po?"
"Pinapatawag ka sa labas ni Brent...
At ng senyor."
_
Oh no!!!
BINABASA MO ANG
Craig's Obsession
Short StoryObsession #1 Elvis Craig Pendleton is an obsessive person. His behavior turns into madness when he met the poor boy, Ken. That madness pushes him to keep Ken on his arms. And no one can touch him, even his heart and his soul. Because Ken is now Crai...