Chapter 2

62.4K 1.6K 1.2K
                                    

Chapter 2

tw: mention of sexual harassment

"P-Pa, hindi na po ako maka-hinga, tama na po..."

Napaupo ako habang habol ang aking hininga. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako sa takot nang dahil sa panaginip ko. Sinasakal ako ni Papa dahil gusto niya akong patayin. Kahit hanggang sa panaginip, takot na takot pa rin ako sa kaniya.

Three weeks na ang nakalipas noong tumakas ako rito. Alam kong hindi imposible na hanapin niya 'ko lalo na't kinuha ko ang lahat ng perang itinago niya. Kahit na malayo ako sa kaniya, hindi pa rin nawawala ang takot sa puso ko. Sana lang ay hindi nito malaman kung nasaan ako.

"Tama ba 'tong gagawin ko?"

Humigpit ang yakap ko sa unan habang pinagmamasdan ang pintuan ng room ni Terrence. Noong una ay magkakasama silang tatlo pero si David ang unang humiwalay dahil naiingayan daw ito kay Zion. Sumunod namang lumipat si Terrence sa parehong dahilan kaya magkakahiwalay na silang tatlo ng room.

Sa tabi ng room ko napiling lumipat ni Terrence. Hindi ko alam kung sinasadya niya ba o wala lang siyang choice. Punuan na ang mga room at saktong vacant sa tabi ko. Hanggang ngayon sila pa rin ang nagbabayad ng lahat ng gastusin ko. Nahihiya na talaga ako sa kanila. Nagiging pabigat na ako.

"Anong ginagawa mo rito? May problema ba?"

Napahawak ako sa dibdib nang biglang bumukas ang pinto nito. Wala siyang suot na pang-itaas at nakasabit pa ang tuwalya niya sa balikat. Mukhang katatapos niya lang na maligo. Sobrang bango ng shampoo niya.

"A-Ano," I bit my lower lip. "May ginagawa ka ba?"

Umiling siya. "Wala naman, bakit?"

Napansin kong dumako ang tingin niya sa unan na yakap ko. Simula nang magising ako nang dahil sa panaginip na iyon, hindi na ako makatulog pa. Hindi pa rin kasi nawawala ang takot sa puso ko.

Bawat pagpikit ng mga mata ko, mukha ni Papa ang nakikita ko. Na-trauma na talaga ako sa kaniya.

"Pasok ka."

Niluwagan niya ang bukas ng pintuan. Ilang beses akong napalunok bago pumasok sa loob ng room niya. Magkapareho lang din naman ang style ng room namin pero mas mabango ang sa kaniya. Humahalimuyak sa ilong ko ang kaniyang pabango.

Sobrang sarap tuloy tumambay rito.

"Kumain ka na?"

I nodded. "Salamat sa pagkain," ngumiti ako. "Sa susunod, ipagluluto ko na kayo para hindi lang palaging fast-food ang kainin natin."

Nagkamot siya sa batok. Humalakhak naman ako. Madalas kasi naming kainin ay fast-food. Umu-order lang sila kaya kailangan talaga nila ako para naman makakain sila ng matinong pagkain.

"Umiyak ka?"

Nag-iwas ako ng tingin. Nakaupo na kami ngayong dalawa sa couch. Sobrang liit pa naman kaya ang lapit lang namin sa isa't isa. Mabuti na lang nagsuot na siyang shirt kasi nakakailang talaga kung nanatili siyang walang suot na pang-itaas.

"Makikinig ako, just tell me what's bothering you..."

Sinubsob ko ang mukha sa unan. Hindi ko alam kung kaya ko pang dugtungan ang sinabi ko sa kaniya, na sinasaktan ako ng sarili kong ama. Natatakot akong malaman niya ang lahat ng tungkol sa 'kin kasi baka siya ang hanap-hanapin ko sa oras na nasasaktan ako.

"H-Hindi ko pa nasasabi sa inyo na tumakas lang ako," my voice trembled. "Kasi hindi ko na talaga kinakaya pa ang ginagawa sa 'kin ni Papa."

Bumagsak na ang mga luha ko. "S-Simula noong pinasok niya ako sa bar, doon na rin siya nagsimulang hipuan ako. N-Nagigising na lang ako sa bawat haplos niya sa 'kin. H-Hindi ko siya magawang itulak kasi may hawak siyang kutsilyo. I-Isang maling galaw ko lang, siguradong tapos ang buhay ko. G-Gabi-gabi niyang ginagawa iyon sa 'kin. D-Diring-diri ako sa sarili ko."

Tears of Fate (Tears Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon