Chapter 35

67.9K 1.5K 2.8K
                                    

Chapter 35

Last Chapter

"Ako ang namaalam, pero si Dave ang tuluyang nang-iwan."

Niyakap ko si Sieana. Umiyak siya sa mga bisig ko. Naririnig ko rin ang paghikbi nina Zion at Terrence. Habang si Ally ay nakayakap kay Frank, walang tigil din sa pag-iyak.

Kalilibing lang kay Dave, pero bago mangyari 'yon. Ikinasal muna silang dalawa. Pinakasalan pa rin ni Sieana ang bangkay ni Dave. Sa huling pagkakataon ay nagawang ayusin ni Sieana ang necktie ng lalaking mahal niya.

Hindi kami umalis sa tabi ni Sieana. Gusto na rin niyang sumuko, lalo na't wala na sa tabi niya ang lalaking mahal niya. Pilit naming pinapalakas ang loob niya dahil nandito pa kami.

Nandito pa kaming mga kaibigan niya na hinding-hindi mang-iiwan sa kanya.

Kahit ako, nasasaktan sa pagkawala ni David. Naging parte na rin siya ng buhay ko, kaya ang hirap harapin ng bukas na wala siya sa piling namin. Lalo na para kay Sieana na nasanay na nasa tabi niya si David.

"Please, kahit tatlong subo lang, malamnan lang ang tiyan mo," pamimilit ko kay Sieana.

Umiling siya. "A-ayoko, gusto ko na rin mamatay kaya pabayaan n'yo na 'ko!"

Tinapik niya ang kamay ko. Naiiyak na lang ako sa tuwing nakikita ko siyang nagkakaganito. Wala akong magawa para sa kaibigan ko. Hindi ko rin siya masisisi dahil sobrang sakit maiwan ng lalaking minamahal.

"S-si Dave ang kailangan ko! 'Y-yong lalaking mahal ko . . . p-pero iniwan niya 'ko..."

Sinapo niya ang mukha niya at umiyak. Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto. Pumasok si Zion na may dalang bag. Siguradong dito na naman siya matutulog sa ospital para lang bantayan si Sieana.

Pinauwi na namin si Tita lalo na't kailangan siya nina Thea at Jun. Ayaw niya pa sanang umalis pero pinilit namin siya. Hindi naman namin pababayaan si Sieana.

Mag-isang buwan na nang mawala si David, pero parang kahapon lang ang nangyari. Sariwa pa rin sa puso't isipan namin ang pagkawala niya. Hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli ang mga taong dahilan kung bakit nawala si David sa mundong 'to.

"Ayaw kumain ni Sieana," sambit ko kay Zion. "Kahit isang subo lang, ayaw niyang tanggapin. Hinahanap niya si David."

Lumapit si Zion kay Sieana na patuloy pa rin sa pag-iyak. Niyakap ni Zion ang kaibigan ko at hinayaang umiyak sa dibdib niya. Hinahaplos din ng lalaki ang buhok ni Sieana.

"P-paano na 'ko?" Sieana sobbed. "'Y-yong taong kinakapitan ko, iniwan ako. H-hindi ko na kayang mabuhay pa, k-kaya sana pakawalan n'yo na 'ko..."

Humiwalay si Zion sa yakap at pinunasan ang mukha ni Sieana. Namamaga na ang mga mata ng kaibigan ko sa sobrang kaiiyak. Araw-araw na lang siyang umiyak nang dahil kay David.

Mayamaya lang ay bibisita rito si Ally. Habang si Terrence ay nasa bahay, kasama si Zack. Alam kong nagtatampo na sa 'kin ang anak ko. Palagi akong wala sa bahay, kaya palaging absent si Terrence sa work para lang samahan ang anak namin.

"Hindi, Sieana, hindi ka namin pababayaan... Nandito lang kaming mga kaibigan mo sa tabi mo, lalo na ako," pagpapakalma ni Zion kay Sieana.

"Kaya sana huwag mong pabayaan ang sarili mo. Nasasaktan kami kapag nakikita kang nagkakaganito. Hindi rin 'yon gusto ni David."

Unti-unting kumalma si Sieana. Ibinigay ko kay Zion ang pagkain. Nakamasid lang ako sa kanila, hinihintay kong tanggapin ni Sieana ang pagkain na isinusubo sa kanya ni Zion.

"Dali na," pagmamakaawa ni Zion. "Kapag hindi ka kumain, hindi rin ako kakain. Manghihina ako, tapos madadala rito sa ospital at ako naman ang aalagaan-"

Tears of Fate (Tears Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon