Chapter 3

56.7K 1.5K 1.4K
                                    

Chapter 3

TW: Sensitive content.

"P-Pa, ayoko po. P-Please, huwag mo po akong hawakan."

Hindi siya nakinig. Pinagpatuloy niya ang paghawak sa 'kin habang nagpupumiglas ako. Natulala na lang ako nang makitang may hawak siyang kutsilyo at itinutok sa leeg ko. Umiiyak ako habang panay na ang haplos niya sa 'kin.

Wala akong magawa dahil sa takot. Hindi niya rin ako papakinggan kahit na magmakaawa pa ako sa kanya.

"Tama na po!"

Nagising ako nang dahil sa panaginip na 'yon. Umupo ako sa sulok at niyakap ang mga binti ko. Wala pa ring tigil sa pagbuhos ang mga luha ko.

Kahit na malayo na ako sa kanya. Hindi pa rin talaga nawawala ang takot ko. Nasanay ako na palagi niya akong sinasaktan. Kaya pakiramdam ko na ang lapit niya pa rin sa 'kin. Na para bang nakatago pa rin ako sa dilim.

I heard someone knock on the door. Mas lalo akong nanginig sa takot. Patuloy pa rin ito sa pagkatok sa pinto. Hanggang sa narinig kong bumukas 'yon.

Sa bawat paghakbang nito papalapit sa 'kin ay mas lalong bumibilis ang kabog ng puso ko sa kaba. Ni hindi ko magawang tingnan kung sino 'yon.

"H-huwag mo po akong sasaktan," my voice trembled. "P-parang awa mo na."

Humigpit ang yakap ko sa mga binti ko. Ramdam ko ang pagtitig nito sa 'kin. Natatakot akong tingnan ito kasi baka ang bumungad sa 'kin ay ang taong kinatatakutan ko.

"Denden..." I heard Terrence's voice.

Natigilan ako at agad na tumunghay. Nababakas sa mukha niya ang gulat dahil nasaksihan niya ako na nasa ganitong kalagayan.

"Renzo..."

Tumayo ako at sinalubong siya ng yakap. Umiyak ako sa bisig niya.

"N-Natatakot ako..."

Niyakap niya ako pabalik at hinaplos ang buhok ko. Hinayaan niya lang akong umiyak sa bisig niya.

"Hush...Nandito na ako. Wala nang mananakit sa 'yo..."

Binuhat niya ako at inihiga sa kama. Kinumutan niya rin ako. Hindi naman maalis ang tingin ko sa kaniya.

"I'll stay here," Terrence smiled. "Matulog ka muna."

Nawala na ang takot ko at agad din na nakatulog. Nagising ako na siya ang bumungad sa 'kin. Hindi nga niya ako iniwan.

Nakapatong ang mukha niya sa gilid ng kama at mahimbing na ang tulog. Hindi ko tuloy mapigilan na pagmasdan siya.

"Pa-fall ka, alam mo ba 'yon?"

Habang pinagmamasdan ko siya. Nararamdaman ko na agad ang takot ko. Na wala akong chance para sa kanya. Na hindi niya ako magagawang mahalin dahil may girlfriend na siya.

Ano ba 'tong pinasok ko? Puso ko naman ang sasaktan ko nang dahil lang sa isang katulad niya.

"Pero hindi naman siguro masamang mahalin ka, 'di ba?"

Napahawak ako sa dibdib nang bigla siyang gumalaw. Umunat siya at agad akong nilingon. Kinakabahan ako na baka narinig niya ang sinabi ko.

"Okay ka na?"

I nodded. "Thank you..."

Nginitian ko siya. "Pinagaan mo ang loob ko," dugtong ko pa.

Kumain na kami ng dala niyang pagkain. Pumunta lang pala siya rito para dalhan ako ng breakfast. Nakakahiya na nakita niya pa ako na nasa gano'ng kalagayan.

Tears of Fate (Tears Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon