Chapter 32
"Kakayanin pa ba natin 'to?"
Hinawakan ni Sieana ang kamay ko. Kanina pa kaming may ginagawa. Hindi na matapos-tapos pa ang sinosolve namin. Vacant namin ngayon pero nandito kami sa library dahil sa tambak na gawain.
"Oo naman, kayang-kaya natin 'to," nginitian ako ni Sieana.
Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Hindi ko akalain na isang taon na lang ay ga-graduate na kami. Marami pa kaming susunugin na kilay nang dahil sa thesis at OJT.
"Papunta rito si Terrence," siniko ako ni Sieana.
Dumako ang tingin ko kay Terrence na papalapit sa 'min. Nginitian niya 'ko kaya inirapan ko siya. Napailing na lang sa 'kin si Sieana.
"Tapos na ang defense n'yo?" tanong ko nang makaupo si Terrence sa tabi ko.
He nodded. "Kaunting revision na lang tapos ipapa-bookbind na."
Malapit nang grumadaute sina Ally, Zion at Terrence. Kaunti na lang ay aakyat na sila ng stage. Kailangan pa nilang mag-OJT, halos apat na buwan din 'yon.
Pinahirapan din si Terrence ng thesis nila. Lalo na't pabigat 'yong dalawa. Palagi na lang siyang puyat dahil siya ang leader. Nagtatrabaho pa rin siya sa parents niya para lang maka-ipon.
"Patingin nga ng ginagawa mo."
Ilalayo ko na sana ang yellow paper ko pero agad na kinuha ni Terrence. Puro solving 'yon, at sawang-sawa na 'ko. Mabuti na lang tinuturuan ako ni Sieana kung ano'ng gagawin.
Sa aming dalawa, siya ang mas madaling maka-intindi. Magaling din siyang magsaulo ng formula kaya palagi akong nagtatanong sa kanya.
"Ako na ang magsasagot," inagaw niya sa 'kin ang ballpen ko.
Hindi na 'ko umangal pa. Mas may tiwala pa 'ko sa sagot niya kaysa sa 'kin. Hirap na hirap talaga ako sa solving. Kung wala si Sieana sa tabi ko, baka bumagsak na 'ko.
Ilang minuto lang ay si David naman ang dumating. Tinulungan din niya si Sieana sa pagsasagot. Nakahalumbaba lang ako habang pinapanood si Terrence. Para bang basic lang sa kanya ang pagsasagot ng math.
Hanggang ngayon ay nililigawan niya pa rin ako. Gustuhin ko man siyang ipagtabuyan, hindi ko magawa. Lalo na't malaki na si Zack. Mararamdaman niya na may tampuhan sa aming dalawa ng kanyang ama.
"Terrence!" boses ng isang babae.
Lumingon kami sa tumawag kay Terrence. Habol ang tingin ko sa babae na kasalukuyang papalapit sa 'min. Nakasuot siya ng formal, at isa siya sa ka-member ni Terrence sa thesis.
"Bakit?" tanong ni Terrence sa babae.
"Hinahanap ka ng mga panel, may gusto silang itanong sa 'yo."
Hinawakan ng babae ang braso ni Terrence. Napairap na lang ako nang mapansing yumuyuko siya para lang maipakita ang boobs niyang ipit na ipit. Palibhasa'y dalawang pogi ang nakikita niya.
Hindi siya pinapansin ni Dave, na busy sa pagtulong kay Sieana. Maisip ko pa lang na gan'to ang babaeng 'yon habang kasama si Terrence, kumukulo na ang dugo ko.
"Mamaya na lang, may ginagawa pa 'ko."
Sumimangot ang babae. "Dali na, saglit lang naman. Kapag hindi ka nakaharap ng mga panel, ako ang pag-iinitan nila."
I rolled my eyes. "Galing mong ka-thesismate, ah, suso lang ambag mo sa leader n'yo."
Dumako ang tingin sa 'kin ng babae. Hinawakan ni Sieana ang kamay ko, umiling siya na para bang sinasabi na huwag kong patulan. Naiinis lang ako dahil sobrang pinahirapan nila si Terrence sa paggawa ng thesis. Dalawang oras lang ang naitutulog niya para lang magawa 'yon.
BINABASA MO ANG
Tears of Fate (Tears Series #4)
RomanceTO BE PUBLISHED UNDER TALKING PAGES Tears Series #4: Audrey Deana Valdez