Chapter 33

58.8K 1.4K 2K
                                    

Chapter 33

Warning: R-18

"Nay, huwag n'yo po hahayan na lumabas si Zack, ha? Dito na lang po siya sa loob maglaro."

Marahan kong hinaplos ang buhok ni Zack. Kahit na isang panaginip lang 'yon, hindi pa rin mawala ang takot sa puso ko. Hindi talaga imposibleng mahanap kami ni Papa.

Baka idamay niya pa ang anak ko para lang makaganti sa 'kin. Kailangan kong mag-ingat, lalo na ang anak ko. Hindi ko kakayanin na pati siya'y saktan ni Papa.

Naisip ko na paano kaya kung puntahan ko na lang siya sa Baguio? Na isumbong siya sa pulis para matahimik na ang puso't isipan ko. Kailangan niyang pagbayaran ang mga pananakit at pambabastos na ginawa niya sa 'kin no'n.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Sieana at hinawakan ang kamay ko.

Nginitian ko siya. "Oo naman, inaalala ko lang si Zack."

"Bakit? May problema ba kay Zack?"

Umiling ako. "Namimiss ko lang ang anak ko."

Pinagpatuloy ko na ang paglalakad kaya sumunod siya sa 'kin. Papunta na naman kami sa library para sa thesis. Halos kami na lang ni Sieana ang gumagawa dahil pabigat 'yong dalawa na ka-miyembro namin. Isusumbong ko talaga sila sa prof para lang mababa ang makuha nilang grades.

Nang makarating kami sa library ay agad kong binuksan ang laptop ko. Habang naghahanap ng information sa internet ay biglang nag-vibrate ang phone ko. Nakita ko ang message ni Terrence.

Terrence:

I love you <3

Napailing ako't pinigilan na mapangiti. Napansin ni Sieana ang reaction ko kaya tinaasan niya 'ko ng kilay. Alam niya pa naman na iniiwasan ko si Terrence tapos makikita niya na lang na kinikilig ako sa lalaki.

Audrey:

Problema mo???

Terrence:

Ikaw.

Audrey:

Bat ako? Ginawa ko sayo???

Terrence:

Miss na agad kita :(

Audrey:

Tang ina mo po 🥰

Terrence:

Sweet mo naman po 🥲

Kinagat ko na ang pang-ibabang labi ko para pigilan na matawa. Humanda talaga siya sa 'kin mamaya. Naninibago pa rin ako sa ka-sweet-an niya. Hindi naman siya gan'to sa 'kin no'n.

Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko. Dumating din si David para tulungan si Sieana sa ginagawa ng girlfriend niya. Hindi ko tuloy mapigilan ang sarili ko na panoorin silang dalawa. Sobrang sweet ni David kay Sieana.

Ibang-iba sa nakilala ko. Hindi naman siya gan'to noon, ah. Iwas nga siya sa 'kin kahit palagi kaming magkasama, pero pagdating kay Sieana. Ibang tao ang nakikita ko.

"Kumain ka na?" malambing na tanong ni David kay Sieana.

Umiling si Sieana. "Hindi pa kami kumakain ni Audrey. Gumagawa kami ng thesis."

"Kumain muna tayo," ani David at pinisil ang tungki ng ilong ni Sieana. "Pasaway ang girlfriend ko."

Sumimangot si Sieana. "Hindi pa naman ako nagugutom. Mamaya na lang."

Tears of Fate (Tears Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon