Chapter 19

48K 1.1K 1.4K
                                    


Chapter 19

"Okay ka lang ba?"

Lumapit sa 'kin si Sieana at inalalayan ako. Kanina pa 'kong nakararamdam nang hilo. Hindi ko masabi sa kanila dahil ayaw kong mag-alala sila sa 'kin. Wala pa ring nakakaalam sa kanila tungkol sa kalagayan ko ngayon.

Kahit ako, hindi pa rin makapaniwala na may nabubuhay na sa loob ng sinapupunan ko. Hindi ko iningatan ang sarili ko. Ilang beses naming nagawa 'yon ni Terrence bago ko pa maisipang uminom ng pills. Malamang na hindi talaga 'yon eepekto.

Ngayon ay hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot akong sabihin kay Terrence ang tungkol sa pagbubuntis ko. Ni hindi ko nga alam kung sila pa ni Thalia. Wala kaming magiging lugar sa buhay niya.

Puro takot na lang ang nararamdaman ko, hindi para sa 'kin, kundi para sa batang dinadala ko. Alam kong hindi ko siya mabibigyan ng buong pamilya. Hindi ko na nga naranasan 'yon, pati ba naman sa sarili kong anak, ipararanas ko 'yon.

"Kulang lang ako sa tulog," pinilit kong tumawa.

Nilingon ko si Terrence nang magtama ang tingin naming dalawa. Magkasama sila ni David sa likuran namin, habang kami naman ni Sieana ang nauuna sa paglalakad. Nandito kami ngayon sa mall para bumili ng pasalubong sa mga kapatid ni Sieana dahil susurpresahin namin sila.

Dalawang araw lang ang itinagal namin sa resort. Kahit si Ally ay hindi na nagpakita pa, lalo na si Zion. Wala kaming balita sa kanilang dalawa. Hindi man lang sila nag-message sa 'min. Wala tuloy kaming pictures na magkakasama sa beach.

Noong nalaman ko na buntis ako, magdamang akong umiyak. Alam kong napansin 'yon ni Sieana, pero hindi siya nagtanong. Ibinaon ko sa buhanginan 'yong pregnancy test.

Mahirap na't baka makita pa nila. Lalo na ni Terrence. Dagdag problema lang ako sa kanya.

"Magugustuhan ba 'to ng kapatid mo?" Itinaas ni David 'yong hawak na malaking doll house.

Hindi ko maalis ang tingin sa dalawa na kasulukuyang pumipili ng mga laruan. Napangiti na lang ako. Masaya ako para sa kaibigan ko, na nagawa niya uli na buksan ang puso niya sa lalaking mamahalin at aalagaan siya.

"Hayst," sumimangot ako. "Gutom na naman ako."

"Kain tayo?" biglang sabi ni Terrence.

Tumango ako. Busy naman 'yong dalawa kaya makakakain kami ni Terrence. Nagugutom na talaga ako. Kaya pala napapansin ko na palagi akong gutom dahil sa pagbubuntis ko.

Pumasok kami sa isang restaurant. Hinayaan kong si Terrence ang pumili ng kakainin namin lalo na't hindi naman ako familiar. Nang madala na 'yong pagkain ay bigla na lang akong napatakip sa ilong ko nang malanghap ang amoy na hindi ko gusto.

"Ang baho!"

Kumunot ang noo ni Terrence. "Huh? Hindi naman, ah."

Pilit kong pinakalma ang sarili ko. Kailangan kong bantayan ang kilos at mga sinasabi ko. Baka bigla siyang makahalata na buntis ako.

"Ano," I bit my lower lip. "Ayaw ko no'ng pancit, ilayo mo sa 'kin 'yan."

Tumango siya at agad na ibinalik sa waiter 'yong pancit. Nagsimula na 'kong kumain, panay ang sulyap sa 'kin ni Terrence kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Problema mo?"

He shook his head. "Okay ka lang?"

Tumango ako. "Ba't magiging hindi?"

Nagkibit-balikat siya. Habang kumakain ay bigla kong naalala 'yong regalo ko sa kanya na hindi ko pa naibibigay. Kinuha ko 'yon sa bag ko at ipinatong sa tapat niya.

Tears of Fate (Tears Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon