Chapter 27

57.2K 1.4K 1.8K
                                    

Chapter 27

Naalimpungatan ako nang marinig ang malakas na iyak ni Zack. Kahit na inaantok pa ko'y wala na rin akong nagawa kundi ang bumangon. Ilang araw na akong puyat dahil nagigising siya sa gabi. Hindi ko naman siya pwedeng pabayaan.

Isang linggo na nang makauwi kami mula sa hospital. Nangangapa pa rin ako kung anong gagawin sa tuwing umiiyak si Zack. Mabuti na lang nandito si Tita para tulungan ako. Kahit sa anak ko'y malapit ang loob niya, para na rin daw niyang apo si Zack.

Habang si Zion naman ay mas doble na ang pag-aalalaga sa aming mag-ina. Hindi ako pumayag na gamitin ni Zack ang apelyido niya. Malaki na ang naitulong niya sa 'kin, ayaw ko nang dagdagan pa ang responsibilidad niya para sa anak ko.

Kaya ang surname ko ang dala ni Zack. Pagdating ng araw, kapag malaki na siya. Unti-unti kong ipaliliwanag sa kanya ang lahat. Sana maintindihan niya 'ko.

"Bakit umiiyak ang baby ko?"

Marahan ko siyang kinuha mula sa crib. Pinainom ko siya ng milk sa 'kin. Palagi na lang akong kumakain ng malunggay para marami ang mailabas kong gatas. Umiinom din naman si Zack sa baby bottle kaya hindi ako mahihirapan na iwan siya.

Narinig kong bumukas ang pinto. Natanaw ko si Zion kaya tinaasan ko siya ng kilay. Malalim na ang gabi pero gising pa rin siya. Siguradong galing na naman siya sa rooftop at nag-emote ro'n.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ako makatulog," aniya at umupo sa gilid ng kama.

"Iniisip mo na naman si Caleena?"

Tumango siya. "Pati si Carys," he sighed. "Namimiss ko na ang mag-ina ko."

Napailing na lang ako at muling pinagmasdan ang anak ko. Tapos na siyang uminom ng milk pero gising pa rin siya. Inaabot niya pa ang mukha ko.

Lumapit sa 'min si Zion at pinahawak niya ang isang daliri niya kay Zack. Nasa kanya na ang atensyon ng anak ko. Habang si Zion ay nakangiting pinagmamasdan si Zack.

"Ginising mo na naman si Mommy," ani Zion kay Zack. "Ang pasaway ng baby namin."

Marahang kinuha ni Zion si Zack mula sa bisig ko. Kampante naman ako dahil marunong talaga siyang magbuhat ng baby. Nakalulungkot lang na hindi man lang niya nabuhat ang sarili niyang anak.

"Matulog ka na," sambit ni Zion.

Umiling ako. "Mamaya na, babantayan ko pa si Zack. Baka hindi pa siya matulog dahil kagigising niya lang."

Aagawin ko na sana sa kanya si Zack pero agad siyang lumayo. "Ako na ang magpapatulog kay Zack. Magpahinga ka na."

Wala na 'kong nagawa kundi ang bumalik sa pagkakahiga. Kinakantahan ni Zion ng lullaby si Zack kaya napangiti na lang ako. Isa lang ang masasabi ko, alam kong magiging mabuting ama si Zion sa magiging anak niya.

Kinabukasan ay inilabas namin si Zack para mainitan. Buhat siya ni Zion habang dala ko naman ang mga gamit ni baby. Nagmukha na tuloy kaming isang pamilya.

Naglakad-lakad lang kami sa labas ng house nila. Nang masakit na sa balat ang init ng araw ay pumasok din agad kami sa loob.

"Malapit na ang enrollan," biglang sabi ni Zion. "Tututuloy ka pa ba?"

Natigilan ako. "Baka hindi na," I sighed. "Mas kailangan ako ni Zack."

Tumango-tango siya. "Kung 'yon ang desisyon mo, susuportahan kita. Pero may kilala akong taong mapagkakatiwalaan na pwedeng magbantay kay Zack."

Pinangako ko sa sarili ko na magtatapos ako ng pag-aaral, pero mukhang matatagalan pa bago mangayari 'yon. Lalo na't may anak na 'kong mas kailangan ang atensyon ko.

Tears of Fate (Tears Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon