Chapter 17

46.9K 1.1K 1.5K
                                    


Chapter 17

"Huwag tayong magpapakita sa boys."

Kumunot ang noo ni Sieana sa sinabi ko. "Huh? Bakit?"

"Pupunta tayo sa mall, may bibilhin lang ako."

Sinakbit ko na ang bag ko at lumabas na kami ng room. Panay pa ang lingon ko sa paligid. Mahirap na't baka makita kami no'ng tatlo at sumama pa sa 'min sa mall. Mahihirapan lang kami ni Sieana.

Pumara ako ng taxi at sumakay kami ro'n. Mabilis kaming nakarating sa mall. Nababakas pa rin sa mukha ni Sieana ang pagtataka kung bakit pumunta kami rito.

Malapit na ang birthday ni Terrence, gusto ko siyang bilhan ng regalo. Marami na ang naitulong niya sa 'kin. Kahit sa gano'n lang na paraan ay makabawi ako sa kanya.

Maigagastos ko na ang perang kinuha ko no'n kay Papa. Kahit na walang matira, basta mapasaya ko si Terrence sa isang bagay na galing sa puso ko.

"Do'n ba kayo nagpa-picture ni Terrence?" biglang tanong ni Sieana.

Tinuro niya 'yong photo booth na pinasukan namin ni Terrence para magpakuha ng pictures. Nanikip na lang ang dibdib ko nang maalala ang araw na 'yon. Sinasabi ko na nga ba't hindi ko rapat binigyan ng meaning ang paglagay niya ng litrato namin sa wallet niya.

Ako nga, hindi niya magawang pahalagahan, 'yon pa kayang bagay na 'yon na kayang-kaya niyang punitin at itapon sa basurahan. Baka nga gano'n din ang gawin niya sa pagmamahal ko para sa kanya.

Kaya mabuti pang sarilihin ko na lang 'yong sakit, dahil sa huli, sarili ko rin ang makakaramay ko.

"May probema ba?" nag-aalalang tanong ni Sieana.

I shook my head. "Wala naman, tara na."

Hinatak ko siya palayo sa lugar na 'yon. Bawat boutique ay pinapasukan namin. Naisip ko na polo shirt ang ibigay sa kanya pero halos lahat ay meron na siya. Mamahalin ang lahat ng sinusuot niya.

"Ano ba kasing magandang iregalo sa kanya?" pagmamaktol ko.

Parang bata na hila ko si Sieana. Napansin ko na hindi siya mapakali. Siguradong iniisip niya si David, hindi pa naman kami nakapagpaalam sa kanila. Kapag nalaman nilang nandito kami sa mall, baka makasalubong na lang namin sila rito dahil sinundan nila kami.

"Ano ba'ng meron? Bakit kailangan mong bigyan ng regalo si Terrence?"

"Eh, 'di, ano pa ba? Malapit na ang birthday niya, syempre kailangan ko naman na magpasikat. Isang beses lang kada taon mangyayari 'yon, kaya lulubusin ko na."

Baka 'to na rin ang huling beses na mabibigyan ko siya ng regalo. Hindi malabong pumunta siya sa France para makasama ang girlfriend niya. Baka nga hindi na siya bumalik pa rito sa Pinas, at 'yon ang ikinatatakot ko.

Pero wala akong magagawa. Hindi ako ang kasiyahan niya para magawa niyang manatili sa tabi ko. Mag-aasawa na lang talaga ako ng 'kano.

'Yong mayamang madaling mamatay ang aasawahin ko nang makuha ko agad ang yaman niya.

"Natahimik ka, ah. May problema ba?" I asked her.

"Wala naman," umiiling-iling siya. "Ano bang dapat kong sabihin?"

I rolled my eyes. "Alam kong meron, pero mukhang hindi mo pa kayang sabihin. Hindi naman kita pipilitin. Hihintayin ko na lamang 'yong araw na ikwento mo sa 'kin ang lahat."

Hindi ko na siya kinulit pa. Nagsimula na ulit akong maghanap ng ireregalo kay Terrence. Balak ko sanang rubber shoes na lang ang ibigay sa kanya, pero baka mas lalo siyang lumayo sa 'kin. Marami pa naman akong naririnig na kasabihan tungkol sa pagreregalo ng sapatos.

Tears of Fate (Tears Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon