Chapter 34

61.6K 1.4K 2.2K
                                    

Chapter 34

245 Evangelista, Viel Terrence Perez

"Oh, my God!" hiyaw ko nang makita ang result ng board exam. "Nakapasa ka!"

Sinalubong ko ng yakap si Terrence. Hindi ko rin napigilan na maiyak. Worth it ang lahat ng pinagpaguran niya. Tatlong buwan din siyang nag-review para sa board exam.

Mag-isa lang siyang nag-review. Hindi siya sumama sa ibang engineer na sama-samang nag-aral. Ayaw niyang malayo sa aming mag-ina.

Nakita ko rin na nakapasa si Zion, habang gano'n din si Ally. Magkaka-iba ang date no'ng nag-take sila ng board exam. Ngayon lang nilabas ang result.

May dalawa ng engineer at isang CPA sa squad namin. Unti-unti na talaga naming naaabot ang mga pangarap sa buhay. Sa susunod, kaming tatlo naman nina Sieana at David.

"Engineer na 'ko," bulong ni Terrence. "Para 'yon sa inyo."

Humiwalay na siya ng yakap at pinaglapat ang noo namin sa isa't isa. Ilang saglit lang ay naramdaman namin si Zack. Agad siyang binuhat ni Terrence.

Nag-celebrate kaming pamilya. Lumabas lang kami at sumimba bago pumunta sa isang restaurant para kumain. Tuwang-tuwa si Zack dahil marami siyang nakalarong mga bata.

"Malapit na ang defense namin," I sighed. "Siguradong pahihirapan na naman ako ng dalawang 'yon."

Hinawakan ni Terrence ang kamay ko. "Kayang-kaya mo 'yan," pagpapakalma niya sa 'kin. "Bawian mo na lang sila sa grades."

Dumating na nga ang defense. Hindi ako nagkamali, ako lang ang sumasagot sa mga panel. Nakatayo lang 'yong dalawa na hinihintay matapos ang defense. Napangisi na lang ako nang sila naman ang tanungin ng panel.

Hindi sila makasagot. Gusto nilang magpatulong sa 'kin pero ayaw na 'kong paimikin pa ng panel. Hinaayan ko silang sumagot dahil deserve nila 'yon.

Bahala silang mapahiya!

Nang matapos ang defense ay nilayasan ko agad sila. Mataas ang nakuha naming grade sa thesis. Ang unfair lang dahil hindi individual ang grading. Ako ang naghirap, sila ang nakinabang.

Hindi ko na rin sila aasahan pa sa revision, kaunti lang naman ang aayusin sa papers. Baka sumakit lang ang ulo ko sa kanila.

"Sieana!" sinalubong ko siya ng yakap. "Good luck sa defense n'yo."

Ngumiti siya. "Kinakabahan nga ako."

"Ano ka ba? Kayang-kaya mo 'yan. Ikaw pa, ang galing mo kaya."

Ilang saglit lang ay dumating si David. Tapos na rin ang defense nila. Kaunti na lang talaga'y kami namang tatlo ang gagraduate.

Iniwan ko na sila ro'n at nagtungo sa parking lot. Natanaw ko si Terrence na nakasandal sa gilid ng sasakyan niya. Napangiti na lang ako nang magtama ang tingin naming dalawa.

"Kumusta?" salubong sa 'kin ni Terrence. "Pinahirapan ba kayo ng mga panel?"

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya. "Nakaya kong sagutin ang mga tanong ng panel, pero 'yong dalawa. Sobrang tatanga, simpleng tanong. Hindi masagot."

I rolled my eyes. "Sana dinala na lang nila ang panty ng mga marites nilang kapitbahay at ginawa nilang kodigo."

Humalakhak si Terrence. Inis akong lumayo sa kanya. Naiinis na nga ako, may gana pa siyang tumawa. Mas lalo lang kumulo ang dugo.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" singhal ko.

Hinila niya 'ko at muling niyakap. "Ang sungit naman ng misis ko."

Tears of Fate (Tears Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon