Epilogue (part one)"Mahal mo 'ko?"
Niyakap niya 'ko mula sa likuran. Napangiti na lang ako. Palagi na lang siyang ganito sa 'kin. Nasasanay na rin ako sa paglalambing niya. "Terrence, mahal mo ba 'ko?"
Hinarap ko siya. "I love you," I said softly. "Mahal na mahal kita, Thalia."
Nakilala ko si Thalia sa isang restaurant. Bigla na lang siyang lumapit sa 'kin para mag-interview. Kinuha ko ang number niya at nagsunod-sunod pa ang pagkikita namin. Sa France siya nakatira, pero sa Pilipinas siya lumaki kaya tuwid siyang magsalita ng tagalog.
Kasalukuyan siyang nandito sa States dahil dito siya nagpapatuloy ng pag-aaral. Mayro'n siyang kakambal na naging ka-close ko na rin. Na-meet ko na rin ang parents niya at gusto nila ako para sa kanilang anak.
Marami na 'kong naka-fling pero kay Thalia lang nahulog ang loob ko. Siya lang ang nag-iisang babaeng niligawan at naging girlfriend ko.
Hindi ko na makita pa ang sarili ko na nagmamahal ng iba. Siya lang ang babaeng pipiliin kong mahalin.
"Talaga? Ako lang ang mahal mo?"
I nodded. "Sino pa ba ang ibang mamahalin ko?"
"'Yong anak natin."
Natigilan ako. "H-huh?"
"I'm pregnant..." pag-amin niya.
"W-what?" I was shocked.
"Yes, Terrence, magiging Daddy ka na."
It was unexpected, but I will accept our child wholeheartedly. Plano ko na rin na pakasalan si Thalia. Hindi ko iiwanan sa ere ang mag-ina ko. Deserve nila ang buong pamilya.
Naputol ang pagmumu-muni ko nang batuhin ako ni Zion ng unan. Inis ko siyang nilingon. Kahit si David ay napatingin na rin sa 'kin na kanina lang ay mahimbing na natutulog.
"Problema mo?"
He raised a brow. "Para kang tanga," sambit niya. "Alam kong in love ka, pero huwag mo namang ipamukha sa 'min."
Binalik ko sa kanya ang unan. "Kung hindi ka lang malandi, eh, 'di sana may girlfriend ka ngayon."
Humalakhak si Zion. "Ako? Magseseryoso sa isang babae? Asa, hinding-hindi mangyayari 'yon."
Hindi na 'ko umimik pa. Nilingon ko si David, tahimik lang siya na naglalaro sa phone niya. Ilang taon na ang nakalipas pero hindi niya pa rin nahahanap ang Mom niya. Nagpapatulong na rin ako kay Dad pero kahit siya'y nahihirapan din.
Bumalik sa France si Thalia dahil nagkasakit ang Dad niya. Kahit na ayaw kong malayo sa kanya'y wala na rin akong nagawa kundi ang suportahan siya. Susunod na lang ako sa kanya sa bakasyon para mag-propose ng kasal.
"Naisip ko lang, 'tol," biglang sambit ni Zion. "Paano kaya kung nasa Pinas pala ang babaeng nakatadhana sa 'kin?"
Napailing ako. "Paano kung wala? Lahat na lang ay sinasaktan mo."
"Kasalanan ko pa 'yon? Eh, sila naman ang kusang lumalapit sa 'kin. Mabait lang ako kaya ini-entertain ko sila."
Naubo na lang si David. Hindi siya interesado sa mga babae. Marami ang nagkakagusto sa kanya sa University na pinapasukan namin pero ni isa'y wala siyang pinansin. Hindi katulad ni Zion na kahit mas bata sa kanya'y pinapatulan niya.
"Pupunta ako sa France," paalam ko sa kanila. "Kailangan ako ni Thalia."
Nilingon ako ni Zion. "Sige lang, basta huwag mong kalilimutan ang pasalubong ko."
BINABASA MO ANG
Tears of Fate (Tears Series #4)
RomanceTO BE PUBLISHED UNDER TALKING PAGES Tears Series #4: Audrey Deana Valdez