Chapter 25

51.8K 1.4K 1.8K
                                    

Chapter 25

Trigger Warning

"Sa'n ka pupunta? Gabi na, ah."

Hinarang ako ni Sieana. Hanggang ngayon ay hawak ko pa rin ang phone ni Terrence. Nanginginig ang kamay ko at pinipigilan na maiyak. Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang nabasa ko.

Hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nakahaharap si Terrence. Nagsuot na lang ako ng sobrang laking jacket. Alam kong posibleng mahalata na nila na buntis ako. Kung nangyari 'yon, wala na 'kong magagawa pa kundi ang aminin sa kanila ang katotohanan.

Kahit pa kay Terrence, hindi ako umaasa na pananagutan niya 'ko. Hindi ko rin naman siya kailangan.

"Pupuntahan ko si Terrence," my voice trembled.

Lalampasan ko na sana si Sieana pero hinarang niya 'ko. "Hindi ba pwedeng bukas na lang?"

Umiling ako. "Please, may gusto lang akong itanong sa kanya. Saglit lang naman."

Nilingon ni Sieana si David, bago pa siya makaimik ay umuna na 'ko. "Kaya kong mag-isa."

Nilampasan ko na si Sieana. Pagkalabas ko'y naramdaman ko ang pag-iinit ng bawat sulok ng aking mga mata. Wala akong karapatan na magtanong kay Terrence tungkol sa kanila ni Thalia, pero gusto kong malinawan sa nabasa kong message.

Ano'ng ibig sabihin no'n? Na patay na talaga si Thalia? Na pinagmukha lang akong tanga ni Terrence sa tuwing magkasama kaming dalawa?

Mabilis akong nakarating sa kanilang apartment. Ni hindi ako nakaramdam ng pagod dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko sa oras na 'to.

"Terrence!" malakas kong kinatok ang pinto. "Please, lumabas ka at harapin mo 'ko!"

Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto. Bumakas sa mukha ni Terrence ang gulat nang makita ako matapos ko siyang ipagtabuyan kanina.

Pinakita ko sa kanya ang message. "A-ano'ng ibig sabihin nito, ha?!"

Napayuko na lang siya habang hindi ko na napigilan na umiyak. "T-totoo bang patay na si Thalia?"

Hindi siya sumagot kaya inis kong binato ang phone niya. Hindi ako nakatiis at pinaghahampas siya. Hinayaan niya lang ako na gawin 'yon.

"Ano? Sumagot ka!" singhal ko. "Wala na ba talaga si Thalia?!"

Bigla na lang siyang napaluhod kasabay nang pagpatak ng mga luha niya. Nanatili lang ang tingin ko sa kanya. Hindi pa man siya umiimik, mukhang alam ko na ang sagot sa tanong ko.

"S-so, patay na talaga-" he cut me off. "Oo! She's dead!"

Natulala ako. "A-at kasalanan ko kung bakit nawala siya!" he sobbed.

"W-what do you mean?"

Mas lalong lumakas ang pag-iyak niya. Aaminin kong nadudurog ako sa nasasaksihan ko ngayon, pero hindi pa rin mapapawi no'n ang galit na nararamdaman ko sa kanya. Dahil bukod sa pinagmukha niya 'kong tanga, naisip ko rin sa sarili ko na ang dumi-dumi kong babae.

Na nagawa kong ipagamit sa kanya ang katawan ko kahit na may girlfriend siya.

"T-thalia . . . was burned alive," pumiyok siya. "S-she was pregnant at that time . . . Y-yes, I lost my family..."

Sinuntok niya ang sahig. Nakita ko ang pagdurugo no'n, pero parang balewala lang sa kanya. Habang wala pa rin tigil sa pagpatak ang mga luha ko.

"B-balak ko sana siyang supresahin no'n, na yayain siyang pakasalan, p-pero ako ang nasurpresa sa nasaksihan ko," humagulgol siya. "N-nasusunog na niyang bangkay ang sumalubong sa 'kin. N-ni hindi ko na siya makilala pa."

Tears of Fate (Tears Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon