Chapter 21

48.5K 1.2K 1.6K
                                    


Chapter 21

Trigger Warning: Mention of Abortion and Child Abuse

"One line . . ." I said. "Hindi ako buntis, Terrence."

Inabot ko kay Terrence ang pregnancy test para ipakita 'yong result. Hindi ko magawang tumingin sa kanya. Lalo na't naiisip ko ang laki ng kasalanang nagawa ko no'ng araw na 'yon.

I killed my own child.

Pagdating sa umaga, nagpapanggap akong masaya kapag kaharap ko sila, pero pagsapit nang gabi. Palagi na lang akong umiiyak sa isang sulok. Para bang pasan ko ang bigat ng mundo.

Wala akong masabihan. Ayaw kong maging pabigat sa kanila. Masaya na si Sieana sa piling ni David. Lalong tumitibay ang relasyon nilang dalawa. Habang si Zion ay hindi na sumasama pa sa 'min. Bigla na lang niya kaming iniwan sa ere.

Mag-iisang buwan nang lumalayo sa 'min si Zion. Hindi na siya sumasabay sa pagpasok sa school, gano'n din sa pagkain tuwing lunch. Nalaman ko rin kay Terrence na hindi na umuuwi si Zion sa apartment nila. Para bang kinalimutan na rin niya kaming mga kaibigan niya.

Sinabi ni Ally na nakikita niya si Zion sa department nila. Mukhang isang accountancy ang pinopormahan ngayon ni Zion. Hindi raw kilala ni Ally 'yong babae dahil hindi niya naman nakikita.

Gano'n ba kahalaga kay Zion ang babae sa kanya para magawa kaming kalimutan na mga kaibigan niya? Saka, sino ba 'yong babae at mukhang nag-seryoso na siya?

"Pero 'yong pagsusuka mo, cravings, at pagiging antukin. Hindi ba't symptoms—" I cut him off.

"Sinabi nang hindi ako buntis! Kung gusto mo, dalhin mo 'ko ngayon din sa hospital. Wala tayong mapapala ro'n, dahil walang batang nabubuhay sa tiyan ko."

Wala na . . . dahil pinalaglag ko ang anak natin. Para lang mailayo ko siya sa isang taong tulad mo.

Tinalikuran ko na siya. "Umalis ka na, Terrence."

Narinig ko ang pagsarado ng pinto. Bumagsak na lang ako sa sahig at umiyak. Desisyon kong alisin sa buhay ko ang anak namin, pero ang sakit pala. Pakiramdam ko na may kulang sa 'kin.

Pero hindi ko naman kakayanin na magdusa siya sa mundong 'to. Na pagdaanan niya rin ang mga pagdurusa ko. Natatakot akong mamalimos din siya ng pagmamahal sa sarili niyang ama.

"Audrey..."

Narinig ko ang mahinang pagkatok sa pinto ko. Agad kong pinunasan ang mga luha ko. Sumilip si Sieana kaya agad ko siyang nilapitan.

"Bakit? May problema ba?" I asked her.

Umiling siya. "Okay ka lang ba?"

Tumango ako. "Oo naman, pero 'yong tiyan ko, hindi na. Nagugutom na 'ko."

Hinaplos ko ang tiyan ko, habang natawa naman siya. "Nagluto na 'ko, kumain na tayo."

Bumaba na kami ni Sieana. Si David lang ang dumating. Tatlo lang kami dahil wala rin si Ally. Nalaman na rin namin kung ano'ng meron sa kanila ni Frank.

Bigla kong naalala 'yong araw na 'yon. No'ng pumunta rito sa apartment si Frank. Lasing na lasing ang lalaki para magmakaawa kay Ally. May past pala silang dalawa na matagal itinago sa 'min ng kaibigan namin.

"Ano'ng ginagawa mo rito?"

Hindi ko maalis ang tingin kay Frank na kasalukuyang nasa labas ng gate namin. Mula sa kinatatayuan ko'y humahalimuyak ang amoy ng alak sa kanya. Mukhang lasing na lasing ang lalaki.

"N-nasa'n si Ally?" his voice trembled.

"Huh? Bakit? Ano'ng kailangan mo sa kaibigan namin?"

Tears of Fate (Tears Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon