Chapter 20

50.8K 1.2K 1.6K
                                    


Chapter 20

Trigger Warning: Abortion

"Grabe! Ang bilis ng araw, last day na natin dito."

Umupo ako sa gilid ng kama at pinagmasdan si Terrence. Kasalukuyan siyang nagsusuot ng damit. Katatapos niya lang na maligo, samantalang kagigising ko lang. Magdamag akong tulog.

Bihira na lang din kaming mag-usap. Kung gising naman ako, inaabala ko ang sarili ko sa panonood ng movie. Habang siya'y busy na kaharap ang laptop. Wala akong ideya kung ano'ng ginagawa niya roon.

Napapansin ko na hindi na niya madalas nakakausap si Thalia. Hindi na niya palaging hawak ang phone niya. Pero ayaw kong umasa na wala na talaga sila, baka may tampuhan lang silang dalawa.

Marahan kong hinaplos ang tiyan ko. Wala pa 'kong ginagawa pero gutom na gutom na agad ako. Hindi pa lumalaki ang tiyan ko kaya hindi siya nakahahalata na may pagbabago sa 'kin. Mas lalong hindi niya pwedeng malaman ang tungkol sa bagay na 'yon.

Itinapon ko rin 'yong unmum milk. Sobrang mahal pa naman no'n pero pinapahamak lang ako. Malamang na pag-iisipan niya talagang buntis ako dahil umiinom ako no'n.

"Nagluto na 'ko," aniya at nilingon ako. "Kumain na tayo."

My eyes widened. "Talaga? Ipinagluto mo 'ko?"

Tumango siya. "'Yong natutuhan ko sa 'yo."

Bumaba na kami para kumain. Hindi ako makapaniwala na naalala niya pa rin kung paano magluto. Mas masarap ang luto niya ngayon kahit na wala ako sa tabi niya para turuan siya.

"Gusto mo bang mamasyal?" bigla niyang tanong.

Napaisip ako sa sinabi niya. Baka mahilo lang ako at magsuka. Siguradong hindi ko rin ma-e-enjoy ang pamamasyal namin. Sa sasakyan pa lang, masama na ang pakiramdam ko. Mas gusto ko na lang matulog magdamag.

I shook my head. "Hindi na, dito na lang ako. Mas masarap matulog."

Tumango-tango siya. Ilang saglit lang ay naramdaman kong maduduwal ako. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan na masuka pero wala ring talab. Nagtatakbo ako papunta sa banyo at doon nagsuka.

Paglabas ko ng pinto'y sumalubong sa 'kin si Terrence. Blangko ang mukha niya kaya bigla akong kinabahan. "May pupuntahan tayo."

I gulped. "Saan?"

Inabot niya sa 'kin ang hawak na baso. Agad kong inubos ang laman no'n. Hindi naalis ang tingin sa 'kin ni Terrence. Hindi na ako mapakali dahil mukhang nakahahalata na siya sa pag-bubuntis ko.

"Pupunta tayo sa hospital, kailangan mong magpa-checkup."

I swallowed hard. "Huh? Bakit ako magpapa-checkup? Okay naman ako, walang masakit sa 'kin," pinilit kong tumawa. "Gusto mo bang tumambling pa 'ko papunta sa second floor?"

Blangko pa rin ang mukha niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Baka bigla na lang niya 'kong mahila at dalhin sa hospital. Wala na 'kong kawala dahil malalaman niyang buntis ako.

Saktong tumunog ang phone ko. Tumatawag si Sieana, sinabi niya na babalik na sila ni David sa Maynila. Nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Kahit kailan talaga'y life saver ang kaibigan ko.

"Balik na tayo sa Maynila? Uuwi na rin sina Sieana!"

Halos pagtulakan ko pa siya papunta sa second floor. Agad kong inayos ang mga gamit namin. Kahit na kaunting araw lang kami rito'y naging masaya naman ako. Na buo kaming pamilya, na bagay na hindi mangyayari pa.

Pinigilan kong makatulog habang nasa biyahe. Baka magising na lang ako na nasa hospital na kami. Nakailang hikab tuloy ako. Kahit na nagugutom ako, hindi ko sinasabi kay Terrence. Sa apartment na lang ako kakain pagdating namin doon.

Tears of Fate (Tears Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon