Chapter 11

55.1K 1.2K 1.4K
                                    

Chapter 11

Warning: R-18

Gusto kong iwasan si Zion dahil sa nasaksihan niya sa amin ni Terrence pero hindi madaling gawin 'yon. Madalas kaming magkasama. Hindi tuloy ako mapakali sa tuwing tititig siya sa 'kin.

Madalas ko pa rin siyang binabara para lang maitago ang hiyang nararamdaman ko. Alam kong hindi niya pa rin nakalilimutan ang nasaksihan niya noong gabing 'yon. Malamang na iniisip niya na may namamagitan sa aming dalawa ni Terrence. Na baka nililihim namin sa kanila ang aming relasyon na imposibleng mangyari.

Baka maruming babae na ang tingin sa 'kin ni Zion. Lalo na't ako pa talaga ang pumunta sa apartment nila para lang kay Terrence. Natatakot ako na baka isumbong niya ako kay Sieana.

Hindi pwedeng malaman ni Sieana na may nangyayaring ganoon sa amin ni Terrence. Hindi ganoong babae ang pagkakakilala niya sa 'kin. Kahit ako, naninibago na rin sa sarili ko.

Hanggang kailan ako magiging bulag nang dahil sa pagmamahal? Minamahal ko 'yong taong imposibleng mahalin din ako. Tanggap ko na wala akong lugar sa buhay ni Terrence, pero sana kahit papaano, makita niya rin ang halaga ko.

Kahit kaunti lang, Terrence . . . buong-buo na ako.

"Nasaan si Sieana?" I heard Zion's voice.

Nilingon ko siya at tinasaan ng kilay. "Bakit mo sa 'kin hinahanap?"

"O, kanino ko siya hahanapin? Kayo ang madalas na magkasama. Baka kung ano na ang nangyari—" I cut him off.

"May gusto ka ba kay Sieana?"

Nag-iwas siya ng tingin at ngumisi. Umupo ako sa bench habang tumabi naman sa 'kin si Zion. Nangangati ang dila ko na itanong sa kanya kung ano ang iniisip niya sa 'kin nang makita niya kami ni Terrence na sa ganoong sitwasyon.

"Ano..." I bit my lower lip.

Binaba ko ang tingin ko sa sapatos ko. Ramdam kong nakatitig sa 'kin si Zion. Malamang na naninibago siya sa 'kin ngayon. Madalas ko siyang awayin, pero ngayon ay tumitiklop ako.

"Hindi mo ba ako tatanungin tungkol sa amin ni Terrence?"

Nilingon ko siya. Sumandal siya sa upuan at tumingala, kasabay ng pagpikit ng mga mata niya habang dinarama ang lamig ng simoy ng hangin. Hindi ko inalis ang tingin sa kanya.

"Hindi..." simpleng sagot niya.

"Bakit?" my forehead creased.

Nagmulat na siya at nilingon ako. "Pero isa lang ang gusto kong malaman sa 'yo..."

Hindi ko inalis ang tingin sa kanya. Hindi ako sanay na ganito kami mag-usap ni Zion. Wala akong ganang makipag-away sa kanya ngayon.

"Okay ka lang ba?" Zion asked.

I looked away. "Oo naman! Bakit magiging hindi?" Pagtanggi ko, umiiling-iling pa.

"Weh?" sinundot niya ang tagiliran ko.

Napatili ako. Malakas pa naman ang kiliti ko roon. Ngumisi lang si Zion sa naging reaksyon ko.

"Zion!" I glared at him.

Humalakhak siya. Sumimangot ako at akmang aalis na nang hawakan niya ang palapulsuhan ko.

"Pero hindi nga, Audrey, sabihin mo sa 'kin kapag hindi mo na kaya. Kung nasasaktan ka na..."

He stared at me. "Iiinom natin 'yan, ako na ang taya," kasunod ang halakhak niya.

Inis ko siyang pinaghahampas. "Gago ka talaga, Zion! Nakakainis ka!"

Tears of Fate (Tears Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon