Chapter 26

54.3K 1.5K 1.9K
                                    

Chapter 26

"Ano? Liligawan na ba kita?"

Unti-unting lumalapit sa 'kin ang mukha ni Zion. Napansin kong nakatitig siya sa lips ko kaya agad kong tinakpan 'yon ng kamay ko. Akala ko'y lalayo na siya nang bigla niyang hawakan ang palapulsuhan ko at inalis ang pagkakatakip sa bibig ko.

Sobrang lapit na ng mukha namin sa isa't isa. Kaunting urong ko na lang ay mapapasandal na 'ko sa gilid ng couch. Hindi ko alam kung seryoso siya sa sinasabi niya. Imposibleng sabihin 'yon sa kanya ni Tita lalo na't kilala niya si Caleena.

Muling lumapit ang mukha niya sa 'kin. Kaunting galaw ko lang ay siguradong maglalapat na ang mga labi namin sa isa't isa. Hinawakan pa ni Zion ang kanan kong pisngi. Wala 'kong nagawa kundi ang pumikit na lang.

"Pa-kiss naman," he said in a husky voice.

Nagmulat ako. "Gusto mo bang suntukin ko ang mukha mo?"

Bigla na lang siyang lumayo sa 'kin habang hawak ang tiyan, utas na katatawa. Inis ko siyang binato ng unan na tumama sa mukha niya. Balewala lang 'yon sa kanya na patuloy pa rin sa pagatawa.

Nakakahiya dahil pumikit ako! Lumalabas tuloy na hinihintay ko siyang halikan ako. Bakit kasi ang lakas ng charisma niya? Siguradong gan'to rin ang nararamdaman ni Caleena sa tuwing kasama niya si Zion.

Palagi ba silang naghahalikan ni Zion?

"Tang ina," he laughed. "Bibigay ka talaga sa 'kin, 'no?"

I rolled my eyes. "Asa pa namang patulan kita!" singhal ko. "Eh, sunog nga ang itlog mo!"

"Talaga lang, ha?" he said playfully. "Gusto mo bang ipakita ko sa 'yo nang mapatunayan ko na hindi sunog ang itlog ko?"

Natigilan ako. "H-huh? Ba't mo naman ipapakita sa 'kin 'yon?!"

Pinitik niya ang noo ko. "I mean, 'yong prito kong itlog. Hindi ko na nasusunog pa, hindi na rin lumilipad."

Tatayo na sana ako nang hawakan niya ang braso ko. "Sinusubukan lang naman kita kanina. Kapag nahulog ka sa 'kin, bahala ka sa buhay mo," ani Zion. "Hinding-hindi mo 'ko maagaw kay Caleena."

Napangiwi ako. "Iniwan ka naman."

Natahimik siya. "Kahit na iniwan ako ni Caleena, hinding-hindi mawawala ang pagmamahal ko sa kanya. Kahit pa ilang taon na ang lumipas, siya pa rin ang babaeng hihilingin ko kay Lord."

Bigla kong naisip si Terrence. Sa mga susunod na taon, siya pa rin kaya ang lalaking mahal ko? Magagawa ko ba siyang kalimutan? Susubukan kong gawin 'yon, na tapusin na ang nararamdaman ko para sa kanya.

Wala na si Thalia, pero pinaparamdam niya sa 'kin na wala akong lugar sa buhay niya. Mas matimbang pa rin talaga sa puso niya ang babaeng mahal niya kaysa sa 'kin na nasa tabi niya.

Bawat araw ay hindi na mawala ang takot ko. Two weeks na lang, manganaganak na 'ko. Hindi naman nakalimot na tumawag sa 'kin si Sieana. Wala siyang ideya na magkasama kami ni Zion.

Ang alam niya'y bumalik ako sa Baguio. Wala pa rin siyang alam tungkol sa pananakit sa 'kin ni Papa. Sobrang laki na ng kasalanan ko sa kaibigan ko. Nagagawa kong maglihim sa kanya para lang huwag na niya 'kong alalahanin pa.

"Hindi ka ba pupunta rito sa Batangas? Kahit isang linggo lang," ngumuso si Sieana.

Magka-video call kaming dalawa. Nilagyan ko na lang ng background ang sarili ko sa camera para hindi niya makita kung nasa'n ako. Baka magtanong pa siya.

"Hindi na," umiling ako. "Baka makaabala pa ako sa inyong dalawa ng lovidabs mo."

Inalis ni Sieana ang tingin sa camera, may kausap sa gilid niya. Siguradong nakapatong 'yong phone niya sa ibabaw ng lamesa. Ilang saglit lang ay natigilan ako sa nasaksihan ko.

Tears of Fate (Tears Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon