Chapter 28
"A-ano'ng gagawin ko?"
Kanina pa 'kong pauli-uli sa harap ni Zion. Habol ang tingin niya sa 'kin, hindi rin alam ang gagawin. Kaaalis lang ni Terrence pero hindi pa rin mawala ang kaba sa dibdib ko.
Balak pa sanang matulog dito ni Terrence, pinagtabuyan lang siya ni Zion. Malakas ang pakiramdam ko na nakita niya ang pagkakahawig nilang dalawa ni Zack. Napansin ko ang pagtitig niya kanina sa anak namin.
"Baka naman naniwala talaga siya na anak ko sa ibang babae si Zack?"
Umiling ako. "Hindi 'yon maniniwala, alam niyang mahal mo si Caleena. Imposibleng ipagpalit mo agad sa iba ang babae, saka ang bilis ng pangyayari kung anak mo nga si Zack."
Umupo ako sa gilid ng kama at sinapo ang mukha ko. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kanina. Kung hindi lang dumating si Tita, hindi mapapalabas si Terrence sa room ko.
"Babalik si Terrence dito," he sighed. "Alam kong bukas, nandito na uli 'yon."
"'Yon na nga, paano kung masaktuhan niya na makita kaming magkasama ni Zack? Iisipin niya agad na anak namin ang bata."
"Totoo naman, ah."
Pinandilatan ko siya. "May alam ka pa ba na pwede naming tuluyang mag-ina?"
Wala na 'kong alam na pwedeng gawin. Mukhang lalayo na naman kami kay Terrence. Naisip ko kung patuloy kong gagawin 'yon, mas lalo siyang magdududa na anak niya ang batang nasa bisig niya kanina.
Hindi ko na alam kung sa'n kami lulugar na mag-ina. Akala ko, safe na kami rito. Hindi pa rin pala. Kahit si Zion ay hindi inaasahan na pupunta rito si Terrence.
Lumapit sa 'kin si Zion at hinawakan ang kamay ko. "Hindi ko naman kayo pababayaang mag-ina, kaya huwag kang matakot."
Kinabukasan ay umalis kami ni Zion, kasama namin si Zack. Pupunta kami sa farm nila para lang makatakas kay Terrence. Malakas ang kutob ko na babalik uli siya para kompirmahin kung anak nga ni Zion ang bata.
Nag-stay lang kami sa isang kubo. May dala rin kaming lulutuin kaya hindi kami magugutom do'n. Habang nagluluto ako'y binabantayan ni Zion ang anak ko. Mayro'n namang papag do'n.
"Nadala mo na ba rito si Caleena?"
Umiling si Zion. "Hindi ko pa nga siya naihaharap kay Mom," he sighed. "Plano ko sana siyang isama ngayong bakasyon, pero hindi na nangyari pa."
Mas pinili ko na lang na manahimik. Hinanda ko na ang kakainin namin. Busog na naman si Zack dahil pinainom siya ni Zion ng milk sa baby bottle. Mahimbing na ang tulog niya ngayon.
"Dito ba tayo matutulog?" biglang tanong ni Zion.
I shook my head. "Hindi pwede, siguradong sobrang lamig na rito mamayang gabi. Baka magkasakit si Zack."
Ilang saglit lang ay tumunog ang phone ni Zion. Agad niyang sinagot 'yon, nasa kabilang linya si Terrence. Hindi nga kami nagkamali na pumunta ang lalaki sa house nina Zion.
"Pinauwi ko na."
Nawala ang tinik sa dibdib ko. Nataranta ako dahil phone ko naman ang tumutunog. Tumatawag si Terrence, hinayaan ko lang na umingay 'yon. Wala akong balak na makipag-usap sa kanya.
"Ang tigas talaga ng puso mo sa kaibigan ko, 'no?"
I looked away. "Alam mo naman kung bakit."
"Naiintindihan ko 'yon, dahil kung tatanungin mo 'ko kung sino ang mas kakampihan ko sa inyong dalawa," aniya. "Ikaw na 'yon."
"Bakit?"
"Anong bakit?" he raised a brow. "Syempre, ikaw lang ang kakampihan ko. Dahil mali si Terrence na itinago sa 'yo ang katotohanan na wala na talaga si Thalia. Pinagmukha ka niyang tanga, at kulang pa 'yong suntok na pinaramdam ko sa kanya."
BINABASA MO ANG
Tears of Fate (Tears Series #4)
RomanceTO BE PUBLISHED UNDER TALKING PAGES Tears Series #4: Audrey Deana Valdez