Chapter 7

51.3K 1.3K 1.4K
                                    

Chapter 7

TW: abuse, sexual harassment, suicidal ideation, sensitive language.

"Nakasunod ba sila sa 'tin?"

Mahina kong siniko si Ally. Patuloy lang kami sa paglalakad. Nandito kami ngayon sa Supermarket para mamili ng groceries. Para naman may matino na kaming makain hindi 'yong puro fast-foods lang.

Pinilit ko pang sumama sa amin 'yong tatlo. Sa palengke ko naisipan na mamili pero no'ng sinabi ko sa kanila 'yon, ngumiwi lang sila. Mga anak mayaman talaga. Wala namang problema sa 'kin dahil pera naman nila ang ipambabayad namin.

Bahala silang mamulubi.

"Yup, nakasunod sila."

Nilingon ko 'yong tatlo. Lahat sila'y nakapamulsa. Nasa gitna nila si David habang nasa magkabilang gilid 'yong dalawa. Naka-white polo silang tatlo at black pants. Makikita talaga sa kanila na mayayaman silang magkakaibigan.

Si Zion ay naka-shades pa habang may subong lollipop. Siguradong kinuha niya lang 'yon sa dinaanan namin kanina at hindi pa bayad. Habang si David naman ay naka-headset, diretso lang ang tingin niya sa daan. Samantalang si Terrence ay ngumunguya ng bubble gum.

Dumako ang tingin sa 'kin ni Terrence kaya nag-iwas ako ng tingin. Siguradong nahalata niya na nakatitig ako sa kanya. Muntikan pa akong may mabanggang stall kung hindi lang ako napigilan ni Ally.

Ako pa naman ang nagtutulak ng pushcart dahil wala ni isa sa kanila ang gustong magtulak. Naka-buntot lang sila sa amin. Sobrang tatangkad pa naman nila, agaw pansin na sila sa ibang namimili.

Idagdag pa si Zion na papansin sa ibang babae. Nakakalimutan na tuloy ng mga ito na kasama nila ang boyfriend nila.

"Dapat pala hindi na natin sinama ang mga 'yan. Ni pagtutulak ng pushcart, hindi magawa. Mag-fashion show lang ang alam nilang gawin dito." Umiiling-iling pa ako.

"Ang lakas kaya ng dating nila," ani Ally.

Halos masuka ako sa sinabi niya. "Baka si David lang ang tinutukoy mo?"

"H-huh? Hindi, ah! Lahat sila!"

Namula ang mukha niya. Muli akong napailing. Halata naman na gusto niya si David. Ilang beses ko nang nahuli ang pagsulyap niya rito. Hindi naman siya pinapansin ni David na walang pakialam.

Ipinagluto na ni Ally si David pero ngayon ay balewala na ang babae sa kanya. Himala na lang talaga kung maging clingy siya sa isang babae. Wala talagang balak na maghanap ng girlfriend.

Mas lalo na siguro kapag dumating na si Sieana at nakilala ni David. Na nadagdagan pa kaming mga babae sa paningin niya. Baka hindi na siya pumunta pa sa apartment sa kaiiwas niya sa mga babae.

Siguradong hindi rin sila papansinin ni Sieana. Lalo na't naloko na siya. Hindi ko na tuloy alam kung paano ko ipakikilala ang mga ito sa kanya. Baka bigla na lang niya kaming layasan sa oras na malaman na may makakasama kaming mga lalaki.

"Nawala na sila," sambit ni Ally.

Nilingon ko ang likod namin. Nagulat ako nang hindi ko na nga sila nakita pa. Napahampas na lang ako sa noo. Habang si Ally ay napalinga-linga para hanapin 'yong tatlo.

"Ano ba 'yan? Hindi man lang nagpaalam kung saan sila pupunta!" Nagpapadyak ako sa inis.

"Baka naman may gusto lang silang bilhin na foods? O baka, alak?"

Hinanap namin kung nasaan ang mga alak. Hindi nga siya nagkamali na naroon nga ang tatlo na namimili ng maiinom. Hindi man lang nila magawang mamili ng groceries pero pagdating sa brand ng alak ay sobrang expert nila!

Tears of Fate (Tears Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon