Chapter 9

52.3K 1.2K 1.4K
                                    

Chapter 9

"Kumusta naman ang unang gabi mo rito?"

Nasa harap ako ng salamin habang nagsusuklay. Nakaupo naman si Sieana sa couch. Ako ang unang gumamit ng banyo. Sumunod si Ally na kasalukuyan pang naliligo. Naghihintay si Sieana na matapos ito.

"Hindi maayos, tatlong oras lang ang itinulog ko," Sieana sighed.

Wala pa rin siyang ideya tungkol sa boys. Sinabi ko rin kay Ally na huwag munang sabihin kay Sieana ang tungkol sa tatlo. Natatakot ako na baka bigla na lang siyang humanap ng ibang apartment sa oras na makilala sina Zion.

Mahirap pa namang kuhanin ang tiwala ni Sieana. Pero sana ay masanay rin siya sa presensiya no'ng tatlo dahil hindi ko naman sila kayang ipagtabuyan na lang.

"O 'yan, tapos na si Allysa kaya makakaligo ka na," sambit ko.

"Pasensiya ka na, Sieana, kung natagalan ako. Sadyang matagal lang ako maligo," ani Ally.

"Ano ka ba naman? Okay lang 'yon, Ally. Sanay naman akong maghintay!"

Napailing ako. "Humugot ang brokenhearted!"

Nang maayos na namin ang aming sarili'y lumabas na kami ng apartment. Nag-reklamo pa si Sieana sa uniform niya na binili ko. Sobrang ikli ng palda niya dahil akala ko'y magkasing-tangkad lang kaming dalawa.

Habang naghihintay ay hawak ko ang phone ko. Wala man lang akong natanggap na message mula ro'n sa tatlo. Hindi naman sila nagrereply sa 'kin. Kahit si Terrence ay hindi na nagparamdam pa.

"Darating ba sila?" tanong ni Ally.

I shrugged. "I don't think so, hindi sila nag-message sa 'kin."

Napansin kong kumunot ang noo ni Sieana. "Sino ang tinutukoy n'yo?"

"Secret!" sabay naming tugon ni Ally.

"Sino nga?" Pangungulit ni Sieana.

"Sikretong malupet!" I replied.

Hindi na siya nangulit pa. Nag-commute na lang kami dahil mukhang hindi kami masusundo no'ng tatlo. Ni hindi man lang sila nagsabi sa 'kin para naman hindi na kami naghintay pa sa wala.

"Punyemas," I bit my lower lip.

Kinalkal ko na ang loob ng bag ko para hanapin ang I.D. ko. Nawala na naman 'yon sa isip ko. Kilala na ako ng guard kaya baka hindi ako nito papasukin kapag hindi ko suot 'yon.

"Hala, girls! Kailangan kong bumalik sa apartment kasi nakalimutan ko ang I.D. ko."

"Na naman? Dapat kasi sinuot mo na sa leeg mo para hindi mo makalimutan," ani Allysa, naiiling.

"Nawala sa isipan ko!" I chuckled.

Hinalikan ko sila sa pisngi bago ako sumakay sa nakatigil na jeep. Binigyan ko naman ng map ng University si Sieana kaya hindi siya mahihirapan na mahanap ang building namin. Hindi pa naman siya familiar sa lugar na 'yon kaya kapag may time kami ay ipapasyal ko siya. Magkaklase kaming dalawa kaya palagi kaming magkasama.

Natagalan pa ako sa pagbalik sa University dahil wala akong masakyan. Kinakabahan tuloy ako na baka late na ako. Habang naglalakad ako sa hallway ay natanaw ko si Sieana na mukhang galing sa field na madalas na tambayan ni David. Hindi niya siguro maintindihan ang map na binigay ko sa kanya kaya naghahanap pa rin siya sa oras na 'to.

"Sieana! Anong nangyari sa 'yo? Para kang ginahasa sa hitsura mo."

Sumimangot siya. "Malakas lang ang hangin kaya magulo ang buhok ko."

"Bakit ka ba nagpunta roon sa field? Malayo naman doon ang building natin. Hindi mo ba maintindihan ang map na binigay ko sa 'yo?"

"Hindi ko maintindihan kung saang direksyon ako pupunta kaya dinala ako ng mga paa ko sa field."

Tears of Fate (Tears Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon