Chapter 29

61.4K 1.5K 2K
                                    

Chapter 29

"Oh, my God!"

Napahawak ako sa bibig habang nakatingin kay Terrence na plakda sa sahig. Hindi ko inaasahan na biglang susulpot si Zion, hinila niya papalayo sa 'kin si Terrence at sinalubong niya ng malakas na suntok.

"W-wala na, nahuli na niya 'ko."

Sinapo ko ang mukha ko. Hindi ko akalain na pupunta rito si Terrence. Wala na 'kong kawala pa sa kanya. Malalaman na rin niya ang katotohanan tungkol sa anak namin.

Kawawa rin si Zion dahil inangkin niya ang anak ni Terrence. Magsisinungaling na nga lang si Zion, hindi niya pa ginalingan. Huling-huli na siya ni Terrence. Kahit ako, hindi rin maniniwala na na anak ni Zion sa ibang babae 'yong bata.

"Hindi ko alam na pupunta siya rito," ani Zion.

Walang kasalanan si Zion. Dahil kung may dapat na sisihin, ako 'yon. Hindi ako nag-iingat. Ngayon, hindi ko alam ang gagawin ko. Wala pa ring malay si Terrence sa lakas ng suntok ni Zion.

"Ano'ng gagawin natin d'yan?"

Lumapit si Zion kay Terrence at pinakinggan ang tibok ng puso ng lalaki. "Buhay pa naman ang gago, plakda lang dahil sa kalasingan."

Nahampas ko ang noo ko. Nang bigla kong maalala si Zack, mag-isa lang siya sa room. Siguradong hinahanap na 'ko ng anak ko.

"Ikaw na ang bahala sa lalaking 'yan, aakyat na 'ko. Walang kasama si Zack."

Aalis na sana 'ko nang hawakan ni Zion ang palapulsuhan ko. "Binabantayan ni Mom si Zack, kaya huwag mo na siyang alalahin pa."

Napanatag ang loob ko. Alam ko naman na hindi pababayaan ni Tita si Zack. Ang inaalala ko na lang ngayon ay si Terrence. Lasing naman pala siya, sana'y hindi niya maalala pagkagising niya ang nangyari ngayon.

"Sa'n natin dadalhin 'yan?" tanong ko kay Zion.

"Sa farm," tugon niya. "Do'n sa kubo."

Inakay niya si Terrence na wala pa ring malay. Hahakbang na sana si Zion pero humarang ako sa harap nila. Hindi magandang ideya na dalhin si Terrence sa farm nila.

"Baliw ka ba? Paano kung may ahas do'n at matuklaw pa 'yan habang natutulog?"

Nagkamot sa batok si Zion. "Hayaan mo na, kakagat lang naman sila. Walang mangyayaring masama sa kanya."

I rolled my eyes. "Delikado kaya! Baka may lason 'yong ahas."

"May antidote na dumadaloy sa katawan n'yan, mabubuhay pa si Terrence kapag natuklaw ng ahas. Masamang damo kaya ang lalaking 'to."

Napailing na lang ako kay Zion. Kahit na naiinis ako kay Terrence, hindi ko naman kakayanin na hayaan siyang mag-isa ro'n sa farm. Sobrang delikado lalo na't magubat do'n. Hindi imposible na puntahan siya ng ahas.

"Kung makapag-desisyon ka, parang hindi mo kaibigan 'yan, ah."

Inilapag na niya si Terrence sa couch. Siguradong marami ang nainom niya. Napapansin ko na palagi na lang siyang lasing. Pinapabayaan na niya ang sarili niya.

Saka, ano naman ang pakialam ko sa kanya?  Kahit ano pa'ng gawin niya sa buhay niya, labas na 'ko ro'n. Hindi ko na siya pakikialaman pa.

"Hindi na talaga," umiiling-iling si Zion. "Friendship over na kami."

"Bakit naman?"

"Sinasaktan ka, eh," aniya. "Hindi mo naman deserve 'yon."

Muli kong pinagmasdan si Terrence. Kahit na gaano pa kagalit ang nararamdaman ko para sa kanya, hindi pa rin mababago no'n ang katotohanan na niligtas niya 'ko no'ng muntikan ko nang tapusin ang buhay ko.

Tears of Fate (Tears Series #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon