Being compared - 9

11 2 0
                                        

MESSENGER

8:52 PM


Ariel
Naiinggit ako sa pinsan ko. Alam niyo kung bakit? Kasi noong bagsak siya sa isang subject niya, nagawa niyang umiyak sa magulang niya. Sinabi pa nila na ‘okay lang kung bumagsak ka. Bumawi ka na lang’ samantalang hindi ko magawa yun sa inyo. Hindi ko magawang umiyak sa harapan niyo kasi hindi niyo naman ako pinapakinggan.
Noong sinabi kong nahihirapan ako sa isang subject, ang tanong ba naman ni mama ay ‘bakit ka nahihirapan?’ Bawal ba akong mahirapan? Bawal ba akong mapagod? Parang kasalanan ko pa eh. Gustong gusto ko kayong yakapin at sabihin na nahihirapan na ako. Gustong gusto ko kayo yakapin para kahit paano maging okay ako pero hindi ko magawa.

Ariel
Hindi ko kailangan ng isang kaibigan eh. Kayo ang gusto ko pero hindi ko kayo maabot. Nandiyan lang naman kayo pero hindi ko magawang sabihin na hindi ako okay sa mga pagkukumpara niyo sa akin sa iba.
Hindi niyo alam kung anong nararamdaman ko sa tuwing sinasabi niyo na ‘buti pa si ganito’ ‘mas maganda si ano’ ‘bakit hindi ka maging katulad ni ano’ ‘gayahin mo si ano’
Sana sila naging anak niyo at hindi ako kung mas gusto niyo pala sila. Sorry po ha. Sorry po kung ako yung naging anak niyo. Sorry po kung hindi ako katulad nila. Sorry po kung hindi ako kasing ganda at talino nila.




Sana hindi na lang ako nabuhay.

Collection of convo storiesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon