MESSENGER
7:28 PM
Roone
Hi, Ciley!
Kamusta ka?Bakit kapag nakikita ko pangalan mo bigla akong inaatake ng anxiety ko?
***
MESSENGER
7:30 PM
Ciley
Okay lang, ikaw?Roone
Sure ka?Ciley
Oo naman.Roone
Inaatake ka pa? Anxiety mo?Ciley
Hindi naman mawawala ‘yon. Ikaw lang naman ang nawala.
May ibang tao sumusuko na lang intindihin ka dahil sa anxiety mo.
***
MESSENGER
7:34 PM
Roone
Sorry. Napagod kasi ako kakaintindi sayo ehCiley
Lahat naman kayo napapagod sa akin kaya hindi na rin ako nagtaka kaso pinalala mo ‘yong anxiety ko noong nawala ka.Roone
Anong ibig mong sabihin?Ciley
Bigla na lang akong manginginig at manlalamig sa tuwing makikita ko ang pangalan mo. Sumisikip na lang bigla yung dibdib ko hanggang sa hindi na ako makahinga dahil nakikita ko ‘yang pangalan mo. Kapag nakikita ko pangalan mo kahit saan, bigla na lang akong inaatake.
Sa tingin mo ba natulungan mo ako? Hindi. Pinalala mo lang.
Tapos ngayon, magpaparamdam ka? Para ano? Palalain ulit itong anxiety ko? Para atakihin lang ako?Roone
Hindi ko alam na ganoon na pala ang nararamdaman mo.Ciley
Kasi para sayo, wala lang itong nararamdaman ko.
Para kang bula. Ang bilis mong mawala.Roone
Sabihin mo sa akin kung anong nararamdaman mo. Hindi mo kasi sinasabi sa akin kung anong nararamdaman mo dati kaya hindi ko alam kung anong gagawin ko.Ciley
Hindi mo alam? Makakalimutan ka rin ba? Sinasabi ko nga sayo na inaatake ako. Sinasabi ko sayo na hindi ako okay. Gusto kong manumbat pero wala ring saysay. Ako lang din mahihirapan.Roone
Hindi na ako mawawala ngayon. Iintindihin na kita. Gusto mo ikaw na ang unang priority ko.Ciley
Huwag na lang, tanga. Hindi ko naman kailangan na ako ang unahin. Mas lalo mo lang pinapalala itong anxiety ko sa mga pinagsasabi mo.
Okay na sa akin ‘yong iintindihin ako pero hindi ko kailangan na unahin nila ako kasi alam kong may mga priority kayo sa buhay.
Parang nagiging pabigat pa ako sayo kung ako ang uunahin mo.Ang gusto ko lang naman ay maniwala sila sa nararamdaman ko pero mahirap kumbinsihin ang isang tao kung hindi ito naniniwala na may ganoon nga talaga.
BINABASA MO ANG
Collection of convo stories
Fiction généraleCollection ng convo stories ng mga SAD ENDING. May ibang stories na true story pero karamihan fiction.