MESSENGER
9:21 PM
Allyssa
Pwede po bang huwag muna kayong umalis hangga’t hindi pa ako nakakapagtapos? Gusto kong nandoon ka sa graduation ko, Dade.
Dade
Kung hindi man ako aabot sa graduation mo, paniguradong pupunta rin ako roon. Hindi mo nga lang ako makikita na nandoon ako pero makikita ko na gagraduate na ang pborito kong apo
Allyssa
Dade, alam mo naman na ikaw lang yung nakikinig sa akin eh. Ikaw lang yung karamay ko sa lahat tapos mawawala ka pa
Dade
Apo, kapag wala na ako roon mo aalamin kung paano mo pagtitibayin ‘yang loob mo. Kapag wala na ako, ikaw na lang ang mag-isang lalaban at karamay mo na lang ang sarili mo kasi hindi ka naman nila dinadamayan. Sarili mo na lang ang meron ka kapag wala na ako.
Kapag wala na ako, tingin ka lang sa taas at sabihin mo kung anong problema mo. Dadamayan pa rin kita.
Kung pwede lang kasama ko pa rin ‘yong lolo ko hanggang sa makagraduate ako kaso hindi ko naman hawak ang buhay niya.
***
MESSENGER
9:30 PM
Dade
Anong gusto mo para sa birthday mo?
Allyssa
Wala naman, Dade.
Dade
Debut mo na ‘yon eh. Ayaw mo ba magkaroon ng party o ano?
Allyssa
Ayoko po. Hindi naman ako sanay sa magarbo na handaan. Sapat na sa akin yung simple lang.
Dade
Pero debut mo ‘yon. Isang beses mo lang maeexperience yun
Allyssa
Okay na po sa akin na kumpleto tayo sa birthday ko. Okay na sa akin iyon.
Ang importante para sa akin ay magsama-sama kaming lahat.
Bukas na ang birthday ko kaya nagiging busy na rin silang lahat.
BINABASA MO ANG
Collection of convo stories
Fiction GénéraleCollection ng convo stories ng mga SAD ENDING. May ibang stories na true story pero karamihan fiction.
