Weakness - 5

6 2 0
                                        

MESSENGER

7:27 PM

Moses Francisco
Ma’am, baka pwedeng i-extend iyong assignment? Hindi ako nakapagpasa eh

Willow Miranda
Isang linggo ang binibigay ko para magawa niyo ‘yong assignment tapos hindi ka pa rin nakapagpasa. Hindi ko na kasalanan kung hindi mo nagawa ‘yang tungkulin mo.

Moses Francisco
Ma’am, hindi ko nakita na may assignment pala eh. Kanina ko lang nalaman. Sige na, Ma’am.

Willow Miranda
Hindi ko na bubuksan ulit ‘yon.

Moses Francisco
Pangit mo naman kabonding, Ma’am.

Willow Miranda
Ipapaalala ko lang sayo, Mr. Moses Francisco. TEACHER mo ako kaya sana magawa mong RESPUTUHIN ako. Hindi porket ako rin ang adviser niyo ay magpi-feeling close ka na sa akin. Respetuhin mo naman sana ako bilang guro mo.
Sinabi ko sa inyo na pwede niyo akong maging tropa pero sana hindi mawala sa ISIPAN mo na TEACHER MO pa rin ako.
Nakakalimutan mo atang teacher mo ako at estudyante ka rito.




Ito ang mahirap sa pagiging guro.  Mahabang araw na nga ang binigay tapos hindi pa rin nagagawa ‘yong tasks.


Maraming mga estudyante na hindi marunong rumespeto sa kanilang guro. Tipong hindi na nila ginagalang ‘yong mga guro nila dahil akala nila makapangyarihan sila.



***


MESSENGER

7:48 PM

11203 CONTEMP

Willow Miranda
Sa susunod na magbibigay ako ng assignment, hindi na isang linggo ang ibibigay ko. Yung iba kasi riyan ay inaabuso ‘yong kabaitan ko kaya leksyon niyo ‘yan dahil sa ginawa niyo.

Easton Tan
Ma’am, huwag naman. Maaga kaming nagpapasa eh.

Willow Miranda
Nagreklamo kasi si Mr. Moses Francisco kaya alam niyo naman na kasalanan ng isa… kasalanan ng lahat.

Mila Rosales
Ilang beses namin sayo sinabi na may assignment tapos hindi ka pa rin nagpasa.

Cairo Leon
Kung ano ano kasi pinaggagawa mo, pre.




Mahirap kasi sa ibang estudyante na inaabuso nila yung kabaitan ng guro nila.



Hindi naman porket mabait yung isang tao ay aabusuhin mo na yung kabaitan nila. Nasasagad din ang pasensya nila.

Collection of convo storiesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon