It's just a dare - 4 (END)

1 1 0
                                    

DAY 5



Gabi na ako nakapag-online. Sina Heidi sana una kong icha-chat para tapusin na yung dare pero may chat sa akin yung kaibigan mi Yumi.






MESSENGER

NIÑA

8:45 PM

Niña
Hiii! Ikaw yung boyfriend ni Yumi diba?

Greg
Ako nga, bakit?

Niña
Wala na si Yumi. Inatake siya sa puso. Iyak siya ng iyak nung ka-call ko siya tapos bigla siyang nawala. Nalaman ko na lang na inatake siya sa puso at hindi naagapan.

Greg
Paano nangyari yun? Akala ko ba wala siyang sakit sa puso? Sabi niya ah

Niña
Ayaw niyang ipaalam sayo kasi hindi naman siya mahalaga para sayo. Hindi ka online buong maghapon kaya tignan mo yung chat niya sayo.







MESSENGER

YUMI

9:49 AM

Yumi
Hiiiii, babyyyy! Hindi ka ata online ngayon? May sasabihin ako sayo ha? Alam ko yung tungkol sa dare niyo hehe tinanong ko kay Heidi kung totoo ba yung nararamdaman mo para sa akin at sabi niya hindi.
Pang-dare lang pala ako? Ang sakit naman nun pero okay lang kasi hindi naman kita sinisisi. Nagkunwarian akong wala akong alam sa dare na yun.
Gusto kong sabihin sayo na mahal na mahal kita. Okay lang kahit hindi mo ko mahalin pabalik walang kaso sa akin yun pero hindi kinakaya ng puso ko dahil sa nalaman ko kay Heidi.
Mag-iingat ka ha? Sana kapag magkakajowa ka sa susunod hindi na dare. Sana totoo na. Iloveyouuuu, babyyyy!





Hindi ko alam na una pa lang alam niya na pala pero ang hindi niya alam nahulog na ako sa kaniya dahil sa ginawa ko.





MESSENGER

YUMI

9:00 PM

Greg
Ang daya mo naman.
Iniwan mo naman agad ako. Hindi mo man lang hinintay na sabihin ko sayo na nahulog na rin ako sayo
May balak pa naman ako ngayon na tapusin yung dare kasi gusto kong totohanin na pero wala ka na.
Yumi... My babyyyy, iloveeyouuuu. Totoo na 'yan na mahal kita.
Sorry sa ginawa at pananakit ko sa puso mo. Hindi ko alam na may sakit ka pala sa puso. Hindi ka pang-dare lang ha? Sorry kung naranasan mo ito dahil sa akin.





Hindi ko alam na dahil sa dare, mahuhulog ako sa kaniya.







Pero hindi ko rin alam na dahil sa dare, mawawala yung taong mahal ko.

Collection of convo storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon