Lagi akong nagcha-chat sa kaniya kahit hindi niya ako nirereplayan. Hindi na rin naman akong umaasa na rereplayan niya ako.
Matagal ko na siyang kilala at matagal ko na rin siyang mahal.
7:19 PM
Elaisha Ano?
Thorn Pwede makipagkaibigan?
Elaisha Kaibigan?
Thorn Ay hindi na lang pala kaibigan Pwede ba kitang maging girlfriend?
Pagkatapos kong itanong yun, hindi na siya nagreply.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
***
MESSENGER
ELAISHA
7:00 AM
Thorn Goodmorning, baby Have a nice day! Huwag mo kalimutan kumain pakabusooog Huwag ka masyadong magpapakastress, baby Don't forget to smile ☺️ Mas lalo kang gumaganda kapag ngumingiti ka 🥰 Iloveyouuuu.
Araw araw ko siyang chinachat. Kahit siniseen niya lang ako, okay lang.
MESSENGER
ISAIAH
10:09 AM
Isaiah Pre, ano na?
Thorn Ano ka rin?
Isaiah Kamusta na pagpapapansin mo kay Elaisha? Pinansin ka na ba?
Thorn Isang beses niya lang ako pinansin pero masaya na ako roon.
Isaiah Tibay mo rin, pre. Ilang taon mo na siyang mahal at naghihintay na sana mahalin ka pero hindi ka naman pinapansin. Hindi ka mamahalin nun. Ayaw niya sayo.
Thorn Alam mo? Tanginamo. Suportahan mo na lang ako kung saan ako magiging masaya.
Isaiah Susuportahan kita sa pagiging tanga mo? Susuportahan kita na mamahalin ka rin niya pabalik? Susuportahan kita na papansinin ka rin niya? Eh ilang taon ka na nga nagpapapansin at sinasabi yung nararamdaman mo para sa kaniya pero hindi ka pa rin niya pinapansin. Tanggapin mo na lang na ayaw niya sayo.
Thorn Tanggap ko na rin naman pero ayoko lang tumigil.
Isaiah Pre, marami pang ibang babae diyan.
Thorn Si Elaisha ba sila? Hindi naman.
Hangga't hindi ko nakikita at nalalaman na may boyfriend na siya, hindi ako titigil.