Regrets - 10

2 2 0
                                    

MESSENGER

9:25 PM

Hillary
Maghiwalay na tayo.

Carl
Bakit? May nagawa ba akong mali?

Hillary
Nakakapagod ka na. Maintindihin ako pero napapagod din ako.

Carl
Dahil ba seloso ako masyado? Dahil ba toyoin ako masyado? Hindi na ako magiging ganun, huwag mo lang akong iwan

Hillary
Ayoko na sa relasyon natin.




Aminado akong cheater ako noon pero nagbago na ako dahil sa kaniya. Mahal na mahal ko siya kaya ayokong mawala siya sa akin.


***

MESSENGER

9:29 PM

Carl
Diba sabi ko naman sayo kapag napagod tayo, magpapahinga lang tayo tapos laban ulit.  Pahinga natin ang isa't isa diba babe?

Hillary
Noon pero hindi na ngayon. Respetuhin mo sana yung desisyon ko na ayoko na talaga.

Carl
Bakit? Malapit na tayong mag isang taon tapos susuko ka na lang?

Hillary
Pagod na nga ako! Pagod na akong intindihin iyang ugali mo! Please lang pakawalan mo na ako

Carl
Ayokong nasasaktan ka kaya sige pero kung gusto mong bumalik sa akin, tatanggapin pa rin kita.

Collection of convo storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon