Love me back - 4 (END)

2 1 0
                                    

MESSENGER

ELAISHA

10:34 PM

Elaisha
Thorn, I'm sorry.

Thorn
Bakit ka nagsosorry?

Elaisha
Kasi ayoko na. Niloloko ko lang sarili ko pati ikaw.

Thorn
What do you mean?

Elaisha
Sinubukan ko naman na mahalin ka pero hindi talaga eh. Hanggang kaibigan lang talaga turing ko sayo.

Thorn
Eh bakit ka pumayag na maging tayo?

Elaisha
Napilitan lang ako kasi sabi mo susubukan natin tsaka naawa ako sayo.
Sorry, Thorn. Sinubukan ko naman na mahalin ka kaso wala talaga eh.

Thorn
Bakit ang sweet mo sa akin kung hindi mo pala ako mahal?

Elaisha
Girlfriend mo 'ko diba? Ginawa ko yung tungkulin ng isang girlfriend. Kahit paano naiparamdam ko sayo at naramdaman mo kung anong klaseng girlfriend ako kahit panandalian lang.

Thorn
So napilitan ka lang pala kaya mo 'ko sinagot?

Elaisha
Oo, sorry. Sabi mo kasi "love me back" kaya umoo ako.







Tangina ang sakit pala kapag napilitan lang sayo yung taong mahal mo.





MESSENGER

ELAISHA

11:01 PM

Elaisha
Sorry talaga, Thorn.

Thorn
Okay lang, Elaisha. Ginusto ko naman 'to eh. Huwag mong sisihin yung sarili mo.

Elaisha
Deserve mong mahalin pero hindi ako yung taong magmamahal para sayo.
Hindi ko deserve yung pagmamahal mo.
Marami pang iba diyang babae na maswerte na maramdaman kung paano ka magmahal.
Makakahanap ka rin ng babaeng magmamahal sayo at masusuklian yung pagmamahal na binibigay mo.

Thorn
Huwag mong sisihin sarili mo ha? Ginusto ko naman 'to.
Umasa na balang araw mamahalin mo rin ako pabalik.
Na akala ko isang araw sasabihin mo sa akin na mahal mo rin ako pero maling akala lang pala. Akala ko lang pala yun.
Alam kong magagawang mahalin ng isang tao yung taong nagmamahal sa kaniya pero kung hindi talaga niya 'yon maramdaman wala kang magagawa.
Kaya okay lang yun, Elaisha. Tanggap ko naman na dati pero umaasa pa rin ako na mangyari yun.
Salamat sa panandalian na naging girlfriend kita.
Sana maging masaya ka at magiging masaya ako para sayo kung alam kong masaya ka.






Salamat sa panandaliang relasyon.






Natutunan ko na dapat hindi mo hinihiling at sabihin na mahalin ka rin niya pabalik kasi dapat kusa niya itong mararamdaman.






Huwag mong pilitin yung isang tao na mahalin ka niya pabalik kasi masasaktan ka talaga sa huli.

Collection of convo storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon