MESSENGER
ELAISHA
12:15 PM
Thorn
Iloveyou.
Kahit na hindi mo ako pinapansin, mahal pa rin kita.
Kahit na siniseen mo lang ako, mahal pa rin kita.
Alam kong ilang taon na akong nagchachat sayo at hindi pa rin ako tumitigil.
Gusto kong iparamdam sayo kung gaano kita kamahal.
Ayokong tumulad sa iba na mabilis sumuko.
Elaisha
Thorn
Thorn
Yes, baby?
Elaisha
Hindi ka ba nagsasawa?
Thorn
Saan?
Elaisha
Sa ganitong ginagawa mo. Palagi mo akong chinachat kahit na alam mong siniseen lang kita at hindi kita nirereplayan.
Hindi mo deserve itong katulad ko. Hindi ko masusuklian yung pagmamahal na binibigay mo sa'kin.
Marami pang iba diyan, Thorn.
Thorn
Marami pa ngang iba pero ayoko sa kanila. Ikaw lang naman gusto at mahal ko.
Elaisha
Ilang taon ka na nasasaktan dahil sa akin, Thorn. Iba na lang mahalin mo, huwag ako.
Thorn
Elai, ikaw lang mahal ko. Ayoko magmahal ng iba. Bakit hindi natin subukan? Wala namang masama kung susubukan natin diba?
Love me back. Pwede ba kitang maging girlfriend?
Elaisha
Ayokong masaktan ka.
Thorn
Ginusto ko naman na mahalin ka. Kaya please? Subukan lang natin kung magwowork.
Wala naman masama kung susubukan natin na pumasok sa isang relasyon.
Elaisha
Sige. Susubukan kong mahalin ka.
Pumapayag na ako na maging tayo.
Hindi niya alam kung gaano ako kasaya na pumayag siya sa gusto ko.
***
MESSENGER
ISAIAH
3:18 PM
Isaiah
Pre, malala ka na. Patay na patay ka kay Elaisha. Sinasaktan mo lang yung sarili mo.
Thorn
Wala akong pakialam.
Isaiah
Thorn, alam mo ba kung anong sinasabi mo ha? Nagpapakatanga ka sa isang babae na wala tayong kasiguraduhan kung magagawa ka nga niyang mahalin pabalik.
Ang tanga mo, Thorn.
Thorn
Tanga na kung tanga. Mahal ko yung tao. Kung ikaw yung nasa posisyon ko ngayon, ganun din gagawin mo panigurado.
Isaiah
Hindi ako gagaya sayo na nagpapakatanga sa isang babaeng malabong mahalin ka pabalik.
Nagmumukha kang desperado, Thorn.
Desperado na nga ba ako na sana mahalin niya rin ako pabalik?
BINABASA MO ANG
Collection of convo stories
Ficción GeneralCollection ng convo stories ng mga SAD ENDING. May ibang stories na true story pero karamihan fiction.
