Our last dance under the rain - 1

1 0 0
                                    

MESSENGER

ELIZA

3:00 PM

Derick
Hi!
Kamusta ka naman?

Eliza
Hello, Derick!
Okay lang naman ako, ikaw ba?

Derick
Mabuti naman kung ganoon.







Ito miss na miss ka. Gusto kong i-send sa kaniya pero huwag na lang. Baka mailang siya kapag sinabi ko 'yon sa kaniya.






Siya si Eliza, ex-girlfriend ko. Almost 6 years din naging kami pero siguro... hindi talaga kami para sa isa't isa.






3:05 PM

Eliza
Bakit nga pala napa-chat ka?

Derick
Wala lang. Nangangamusta lang, bawal ba?

Eliza
Nagtatanong lang hahaha

Derick
Akala ko bawal eh, maiintindihan ko naman po 'yon.

Eliza
Baliw! HAHAHAHAHA wala akong sinabing bawal basta huwag mo akong landiin, okay lang na mag-chat tayo.







Ngayon ko na lang siya nakausap ulit pagkatapos kasi namin maghiwalay, wala na akong connection sa kaniya. Hindi na kami nag-uusap para na rin sa amin yun pero kahit na matagal na kaming hindi nag-uusap, siya pa rin talaga ang mahal ko.







3:17 PM

Derick
Masaya ka ba ngayon?

Eliza
Sobra, ikaw?

Derick
Masaya ako kasi alam kong masaya ka.

Eliza
Baliw.

Derick
Alam mo naman na masaya ako kapag masaya ka.
Kahit hindi ako yung rason kung bakit ka masaya ngayon

Eliza

Eliza
Bakit?

Derick
Bakit ba tayo humantong sa ganito?

Eliza
Sorry.

Derick
Masaya tayo noon pero bakit biglang humantong tayo sa ganito? Mahal na mahal pa rin kita, Eliza. Ikaw pa rin hanggang ngayon.
Maaari ba tayong bumalik sa dati? Maaari ba tayong magumpisa ulit?

Eliza
Oo naman, pwede.

Derick
Mas okay na siguro na magsimula ulit tayo sa panahong hindi natin kilala ang isa't isa. Mas okay na siguro yung magsimula ulit tayo sa hindi natin close ang isa't isa.

Eliza
Magsimula tayo sa panahong hindi natin mahal ang isa't isa na para bang hindi tayo naging importante sa isa't isa.





Pero paano nga ba tayo magsisimula ulit kung tapos na ang ating kwento?




Paano tayo magsisimula ulit sa umpisa kung hindi na pwede?

Collection of convo storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon