MESSENGER
11:11 AM
Julian
Hindi na siya nakipagbalikan sa akin, Pa. Ayaw niya na talaga.
Papa
Ano bang sinabi mo sa akin dati? Tanggapin na lang natin ang katotohanan na hindi na babalik sa atin ang taong mahal natin. Ang mahalaga ay ginawa natin ang makakaya natin para bumalik sa atin yung taong mahal natin.
Kung hindi bumalik? Edi okay. Huwag natin ipilit yung sarili natin kasi mas lalo tayong masasaktan.
Julian
Salamat, Pa. Palagi kang nariyan sa akin. Hindi lumayo loob mo kahit na iniwan tayo ni mama.
Papa: Sino na lang ba ang magdadamayan? Kundi tayong dalawa kaya kung may problema ka, lapit ka lang kay papa.
Julian
Baka ito talaga ang tinadhana sa atin, pa. Yung maging single habang buhay hahaha
Papa
Ano ka ba? Dadating din yung para sa atin. Basta sa susunod, send mo yung family picture ng future girlfriend mo para malaman natin baka maulit ulit ito.
Julian
NADALA NA HAHAHAHAHAHHAHAHAHA
Papa
Oo, gago. Mas okay na yun kaysa naman baka nanay na naman niya yung magiging girlfriend ko
Julian
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH
Papa
Basta ipakilala mo sa akin kapag sure ka na siya na talaga papakasalan mo.
Sure na ako sa kaniya kaso ayaw niya na sa akin.
Pero sa lahat ng 11:11 na nangyari sa akin, ito ang pinakamasakit at hindi ko matanggap.
***
MESSENGER
11:11 PM
Papa
Julian, wala na raw mama mo. Nakita na lang daw siyang walang malay at puro duguan sa bahay ng lalaking kinakasama niya. Naabutan nila yung lalaki na nasa bahay kaya nakakulong na rin.
Masakit para sa akin na nalaman kong wala na siya kahit na iniwan niya kami ni papa. Nanay ko pa rin siya kaya kahit paano may pakialam pa rin ako kahit na hindi ko napapakita at napaparamdam sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Collection of convo stories
Fiksi UmumCollection ng convo stories ng mga SAD ENDING. May ibang stories na true story pero karamihan fiction.
