Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
The sunset is beautiful, isn't it?
Ryne Thamara. Hindi ako papayag.
Thamara Kailangan.
Ryne Bakit? Okay naman tayo ah.
Thamara Akala mo lang yun.
Alam naman natin sa una pa lang mali na ginagawa natin eh pero mas lalong mali para sa akin dahil nahulog na ako sayo. Alam kong hindi dapat pero sorry.
Ryne Thamara, parehas lang tayo ng nararamdaman. Huwag naman ganito.
Thamara Hindi, Ryne. Kasal ka na. May asawa ka na kaya maling mali talaga ito kaya nga tatapusin ko na kung anong meron sa ating dalawa. Ayoko lang dumating sa punto na magsisisi ako sa huli. Nahihirapan na rin ako sa sitwasyon natin. Natatakot ako baka mahuli rin tayo at gusto ko rin maisalba yung relasyong meron kayo.
Pinapanood ko kung paano lumubog yung araw habang kausap ko siya. Handa na akong isama yung mga alaala naming dalawa sa paglubog ng araw.
***
MESSENGER
5:48 PM
Ryne Hindi ako papayag.
Thamara Kahit hindi ka payag, gagawin ko pa rin kung anong gusto kong gawin. At ayon ang kalimutan kung anong meron sa ating dalawa. Ryne, talo ako sa una pa lang. May asawa ka na. At ako? Ka-fubu mo lang ako. Fuck buddy. Nagkikita tayo para magsex.
Ryne Nag-uusap din naman tayo sa ibang bagay ah? Nagde-date rin tayo.
Thamara Kaya nga ayoko na kasi nahulog na ako sayo. Ayokong makasira ng relasyon kaya nagsisisi na ako na sana hindi na lang pala ako pumasok sa sitwasyon na ito.
Mahirap pala talagang mahulog sa taken na.
Sa sitwasyon na ito, mas maiging pairalin ang utak kaysa sa puso.
***
MESSENGER
5:51 PM
Ryne Huwag naman ganito Nasanay na ako sa presensya mo, Thamara. Thamara, pag-usapan natin ito oh. Baka pwede pa natin pag-usapan.
Thamara Hindi na kailangan kasi buo na desisyon ko. Salamat sa mga alaalang binuo nating dalawa. Salamat sa lahat. Naging masaya rin ako sa ginawa nating dalawa. Mahalin mo ang asawa mo at huwag mo siyang iwan. Paalam, Ryne.