MESSENGER
9:05 PM
Ariel
Iniisip ko hanggang ngayon kung saan ako masaya. Iniisip ko kung ano bang gusto ko. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin kasi alam kung saan ako masaya eh. Ang gusto ko lang ay makatulong sa inyo, makapag-ipon ako para sa inyo, maipunta ko kayo sa mga lugar na gusto niyo tapos ayun na.
Pwede na akong mamatay kapag nagawa ko ‘yon. Tapos na mission ko para sa inyo eh.
Okay lang kahit hindi ko na-enjoy yung mga gagawin ko basta nagawa ko na yung kailangan gawin para sa kanila.
Ariel
Salamat sa ginagawa niyong pagkukumapara sa akin sa ibang tao dahil mas lalong bumaba yung tingin ko sa sarili ko. Yung pagkukumpara niyo na hindi ako maganda katulad ng ibang tao. Yung ang taba taba ko at hindi ko kayang magpapayat katulad ng pinsan ko. Yung hindi ako matalino katulad ng pinsan ko at ibang tao. Yung hindi ko magawa iyong mga bagay na gusto ko kasi alam kong hindi ako magaling doon dahil sa mga sinasabi niyo.
Salamat sa inyo kasi mas lalong bumaba yung confidence ko sa sarili. Dahil sa inyo, hindi ko na magawang itaas yung sarili ko. Dahil sa inyo, alam kong wala akong kwentang tao at hindi ako magaling sa lahat ng bagay.
Ang hirap kasing itaas ang sarili kung paulit-ulit nila akong binababa.
BINABASA MO ANG
Collection of convo stories
BeletrieCollection ng convo stories ng mga SAD ENDING. May ibang stories na true story pero karamihan fiction.
