MESSENGER
ELIZA
5:53 PM
Derick
Hindi na ba talaga pwede?Eliza
Alam mo naman ang sagot diyan eh.Derick
Nagbabakasali lang ako na baka pwede pa. Baka pwede pang ipagpatuloy natin yung ating kwento. Baka pwede pang ipagpatuloy yung pag-iibigan namin.Eliza
Kaso hindi na pwede. Hindi na natin pwedeng ipagpatuloy yung pag-iibigan natin dahil hanggang doon na lang yung ating kwento. Tapos na yung atin. Tapos na tayo, Derick.Derick
Alam ko. Alam kong hindi na natin pwedeng ipagpilitan na ipagpatuloy yung pagmamahalan natin. Nagbabakasali lang ako na baka pwede pa.
Kamusta lovelife?Eliza
Okay lang, kami pa rin hanggang ngayon.Derick
Mabuti kung ganoon.Eliza
Ikaw? Kamusta lovelife?Derick
After natin magbreak, hindi na ako naghanap ng iba hanggang ngayon nga ay ikaw pa rin mahal ko.Eliza
Alam mo naman diba?Derick
Oo, alam ko. Alam kong may mahal ka nang iba. Alam kong habang tayo pa ay nahulog ka sa iba kaya tayo naghiwalay.Masaya naman tayo eh. Wala akong pagkukulang at binibigay ko ang mga gusto mo pero bakit nahulog ka pa rin sa iba? Hindi pa ba ako sapat para sayo? Hindi ako nawalan ng oras sayo. Inuuna pa rin kita kahit na may problema ako.
Ano bang mali sa akin, Eliza? Palagi kong tinatanong itong sarili ko kung anong mali sa akin. Palagi kong tinatanong itong sarili ko kung bakit hindi pa ako sapat para sayo. Mahal na mahal kita, Eliza.
Anong meron sa kaniya at mas pinili mo siya kaysa sa akin?Eliza
Mas mahal ko siya kaysa sayo kaya siya yung pinili ko kaysa sayo. Hindi ko nakikita yung sarili ko na makakasama kita habang buhay pero sa kaniya, nakikita ko yung sarili ko na siya yung gusto kong makasama habang buhay.Derick
Umaapaw yung pagmamahal mo para sa kaniya. Talo ako roon.
Nakikita ko yung sarili ko na makakasama kita habang buhay pero ikaw pala itong hindi nakikita yung sarili na ako yung makakasama mo habang buhay.Kahit pala may oras ka sa kaniya, wala kang pagkukulang, wala kang ibang ginawa kundi mahalin siya, binibigay mo yung mga gusto niya, ginagawa mo kung anong magpapakasaya ka sa kaniya, iiwan at iiwan ka pa rin niya.
6:19 PM
Eliza
Ilang taon ang nakalipas, kalimutan mo na ‘yang nararamdaman mo para sa akin. Hindi ko na masusuklian ‘yang nararamdaman mo. Ikakasal na kami, Derick.
Masaya na ako sa iba. Masaya na ako sa kaniya kaya sana mahanap mo rin yung taong magpapasaya sayo.
BINABASA MO ANG
Collection of convo stories
General FictionCollection ng convo stories ng mga SAD ENDING. May ibang stories na true story pero karamihan fiction.