MESSENGER
10:24 AM
Dade
Kaya mo na ba kapag wala na ako?Allyssa
Ano pong pinagsasabi mo?Dade
Kaya mo na ba kako na wala ako? Okay lang ba sayo na wala na ako? Hindi mo na ako makikita.Allyssa
Syempre hindi! Paano na lang ako kung wala na kayo, dade? Sino na lang mapagsasabihan ko ng problema ko?Dade
Dapat kayanin mong mag-isa lalo na kapag wala na ako. Hindi pwedeng sa tabi mo lang ako palagi.Allyssa
Dade, ayoko. Ikaw na nga lang gusto kong makasama eh. Ako paborito mong apo diba? Wala na akong paboritong lolo :((
Hindi pa ako handa na iwan mo ako, dadeDade
Noong bata ka pa, alam ko na yung pinagdadaanan mo sa buhay. Ako palagi ang nagbabantay sayo noong bata ka pa. Dinadamayan kita palagi. Alam kong kaya mo na kahit wala na ako.
Sa una mahirap talaga na tanggapin pero kapag tumagal na at umabot ng ilang taon, matatanggap mo na wala na talaga ako.
Ilang taon na rin kitang pinapatibay kaya alam kong kaya mo na mag-isa.
Mahal na mahal kita, apo.Pero yung isang taong palaging nandiyan para sa akin, iiwan din pala ako balang araw.
Pinaabot niya lang ako sa 18th birthday ko at iniwan niya na rin ako.
BINABASA MO ANG
Collection of convo stories
Ficção GeralCollection ng convo stories ng mga SAD ENDING. May ibang stories na true story pero karamihan fiction.