Being compared - 10

7 2 0
                                    

MESSENGER

8:57 PM


Ariel
Inggit na inggit ako sa ibang anak na pwede silang magsabi ng problema nila sa magulang nila samantalang ako? Hindi pwede kasi hindi naman makikinig magulang ko eh. Iniisip ko kailan ba sila makikinig sa akin? Kailan kaya nila ako yayakapin at sasabihin na ‘okay lang yan, anak’ ‘nandito lang kami para sayo, anak’


Yakap ng magulang, ayon ang gusto ko na hindi ko makuha. Kahit isang yakap lang ni papa, sapat na sa akin yun.


9:00 PM


Ariel
Sa tuwing pinapakita ko yung grades ko, imbes na sabihin sa akin na ‘proud ako sayo’  ang natatanggap ko pa ay ‘bakit ganiyan lang score mo? Ang baba nito dapat mataas ito. Buti pa pinsan mo ang talino hindi katulad mo.’ Hindi niyo man lang ba na-appreciate yung effort na ginagawa ko? Hindi niyo man lang ba sasabihn sa akin na proud kayo sa akin kahit paano?
Kung sabagay, hindi pa sapat yung ginagawa ko. Hindi ko pa nahihigitan yung pinsan ko at yung ibang tao.
Kahit kailan hindi ko maririnig mula sa inyo na proud kayo sa akin baka nga kahit mamatay ako, hindi niyo pa rin sabihin ‘yan sa akin.



Kapag nayakap na ako ni papa, okay na sa akin ‘yon.



Ariel
Mula bata pa lang ako, ginagawa at sinusunod ko na yung mga gusto niyo para sa akin kahit hindi ko gusto. Pinapahiya niyo ako sa harap ng mga tao kapag hindi ko ginagawa yung gusto niyo. Gusto niyong maging katulad nila ako pero paano naman ako? Hindi ko gusto yung pinapagawa niyo.
Para akong puppet na kailangan maging sunod-sunuran sa inyo. Anak niyo ho ako at hindi puppet na kailangan sumunod sa mga gusto niyo.

Collection of convo storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon