When this day ends - 2

5 0 0
                                        

MESSENGER

ALIXAH

7:34 PM

Alixah
Hoy
Hoy
Gago
Buhay ka pa ba?
Lucida!
Press 1 kung buhay ka pa.

Lucida
1

Alixah
Tangina nito. Pinakaba mo ako. Akala ko kung ano na ginagawa mo.







Laslas. Ayan ang ginagawa ko sa tuwing hindi ako okay. Kapag wala akong ginagawa, natetemp ako na maglaslas.





7:39 PM


Alixah
Ayoko talaga yung naglalaslas yung tao like ang sakit kaya nun.

Lucida
Masasanay din naman sa sakit.

Alixah
Ginawa mo na ba yun? Huwag mong gawin ha! Kapag may problema ka, sabihan mo lang ako. Handa akong makinig.

Lucida
Hindi ko ginagawa yun.









Ayokong sabihin sa kaniya na ginagawa ko yun kasi ayoko mag-alala siya.








***



MESSENGER

NESSAH

4:44 PM

Nessah
Good afternoon, Lucida. Gusto ko lang itanong kung anong nangyari sayo? Madalas hindi ka pumasok. Wala ka pang recitation. May mga quiz ka naman pero sayang points sa recitation. Okay ka lang ba?









Maiintindihan ba ni Ma'am kung sasabihin ko madalas akong atakihin ng anxiety ko?






4:46 PM



Nessah
Pwede mong sabihin kung may problema ka. Makikinig ako. Hindi kita huhusgahan kung ano man ‘yang pinagdadaanan mo ngayon.

Lucida
Ma'am, sorry po kasi madalas umaatake anxiety ko. Gusto ko man pumasok pero baka po kapag nagsalita na ako, bigla akong maiyak dahil sa anxiety attack.
Gumagaan naman po loob ko kapag hindi po ako pumapasok. Sorry po, Ma'am.

Nessah
Iniisip mo ba kung anong sasabihin sayo ng mga kaklase mo? Iniisip mo ba kung huhusgahan ka nila?

Lucida
Hindi na po kailangan kasi alam kong hinuhusgahan na nila ako at pinag-uusapan na nila ako sa likod ko. Hindi naman po ako manhid para hindi ko maramdaman.





Habang nag-uusap kami, naglalaslas ako. Nararamdaman ko yung kirot na dumadaloy sa pulsuhan ko pero binabalewala ko lang. Malalim na yung sugat dahil dati ko na itong ginagawa sa tuwing inaatake ako.






Mali man pero ito yung paraan para kumalma ako.





4:59 PM

Nessah
Lucida, tandaan mo na nariyan palagi ang Diyos na handang makinig sa mga problema natin. Kung ayaw mong magsabi sa iba, siya kausapin mo sa tuwing may problema ka.

Lucida
Sa tuwing may problema po ako? Siya nga kinakausap ko. Sinasabi ko sa kaniya na bawiin niya na itong buhay ko kasi ayoko na. Gusto ko na sumuko at ibahagi sa iba itong buhay ko.







Sa ganitong paraan, napapanatag loob ko.

Collection of convo storiesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon