It's just a dare - 1

8 1 0
                                        

MESSENGER

YUMI

7:05 PM

Yumi
Hiii, Greg!
May sasabihin sana ako sayo kaso nahihiya ako.
Crush kita

Greg
Crush ka ba?

Yumi
Hindi.
Hindi naman ako nagpapacrushback sayo. Gusto ko lang naman sabihin sayo na crush kita.

Greg
sml?

Yumi
Tanginamo pasalamat ka crush kita.

Greg
Edi salamat
Ikaw ah crush mo pala ako
May lihim ka pa lang pagtingin sa akin hindi ko alam

Yumi
Ngayon alam mo na

Greg
Syempre sinabi mo eh





Close kami ni Yumi kaya siguro naging crush niya ako.






Ang gwapo ko kasi kaya niya ako naging crush. Hindi naman sa pagmamayabang pero parang ganun na nga.





***


MESSENGER

WALANG DULOT

7:21 PM

Greg
Hoy! Crush pala ako ni Yumi.

Harry
Halata naman HAHAHAAHAH

Jeff
Kaya nga

Greg
Mas okay din na manggaling sa kaniya kaysa naman umasa.

Heidi
Kinrushback mo?

Greg
Hindi ko naman siya crush bakit ko ika-crushback?






***



MESSENGER

WALANG DULOT

8:54 PM

Heidi
Laro tayo. Truth or Dare dalii

Greg
Dare ako

Harry
Lagyan mo ng label yung sa inyo ni Yumi

Greg
Label? Eh hindi ko nga kinrushback

Jeff
Edi icrushback mo na. 7 days lang magiging kayo pagkatapos nun, hiwalayan mo na.

Heidi
Free trial? Bakit ganiyan dare niyo?Makakasakit kayo ng tao.

Harry
Kaya nga dare eh. Gagawin niya kahit ano.

Greg
Sige payag ako.

Harry
Ayun!

Jeff
Gagawin din naman pala

Heidi
Greg, gagawin mo talaga? Masasaktan mo yung tao

Greg
Wala namang mali kung susubukan




7 days lang naman yun kaya okay lang. Hindi ko muna uumpisahan ngayon. Hahanap muna ako ng tyempo.





Palagi kaming nag-uusap ni Yumi kaya napagdesisyunan ko na gawin na yung dare.




***


MESSENGER

YUMI

9:16 PM

Greg
Yumi
Crush kita

Yumi
Ehhh? Totooooo? Hindi 'yan biro?

Greg
Oo nga. Crush kita

Yumi
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako o hindi

Greg
Yung label

Yumi
Ano meron?

Greg
Lagyan natin.

Yumi
So tayo na?

Greg
Oo

Yumi
Aacckkk hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon 🥺

Collection of convo storiesMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon