MESSENGER
10:48 PM
Julian
Babe, mag-usap muna tayo. Hindi ko alam na yung girlfriend pala ni papa ay yung mama mo.
Babe, mahal kita.Tanzy
Kailangan natin maghiwalay.Julian
Bakit? Hindi naman sila kasal ah? May relasyon lang sila pero hindi pa sila kasal.Tanzy
Doon din naman punta iyon.Julian
Huwag naman ganito, babe.
Hindi naman natin kasalanan kung hindi natin alam na may relasyon pala ang magulang natin.Tanzy
Ayokong masaktan si mama kaya itigil na lang natin ito.Julian
Hindi ko rin gusto na saktan sila ah? Pwede bang pag-usapan muna natin ‘to? Alam kong gulat at hindi ka pa rin makapaniwala sa nalaman mo kanina, ganoon din naman ako.Tanzy
Wala na tayong dapat pag-usapan.***
MESSENGER
11:11 PM
Tanzy
11:11 Itigil na natin itong relasyon natin.***
MESSENGER
11:30 PM
Papa
Anak, kamusta kayo? Nag-usap na ba kayo?Julian
Hiwalay na po kami, Pa. Nakipaghiwalay siya sa akin.Papa
Hala! Gusto mong kausapin ko siya? Hiwalayan ko na lang itong nanay niya para magkabalikan kayo.Julian
Huwag na, Pa. Malapit na rin ho kayong tumanda kaya kailangan niyo rin ng taong makakasama at masasandalan sa buhay.
Okay lang kung ganito ang nangyari sa relasyon namin.Papa
Kung pinakilala ko lang siya sayo dati pa, siguro hindi ganiyan mangyayari sa relasyon niyo.Baka ganoon ang gusto ng tadhana sa aming dalawa.
***
MESSENGER
11:11 AM
Papa
Wala na kami ni Vionna.Julian
Bakit, Pa? Anong nangyari?Papa
Iniwan ko. Hindi ko kayang masaktan yung anak ko dahil magiging magkapatid sila kapag kinasal kami ng taong mahal niya.Julian
Pa, sabi ko sayo na okay lang kahit naghiwalay kami. Piliin mo naman ang kasiyahan mo. Piliin mo kung saan ka magiging masaya.Papa
At pinipili kita, anak. Masaya ako kapag nakikita kitang masaya. Nasasaktan ako kapag alam kong nasasaktan ka rin. Kaya hindi ko kayang nakikita kang nasasaktan dahil sa nangyari.
Okay lang na ako ang masaktan basta huwag lang ikaw.Sinubukan kong kausapin at gawin ang lahat para balikan ako kaso ayaw pa rin.
BINABASA MO ANG
Collection of convo stories
Narrativa generaleCollection ng convo stories ng mga SAD ENDING. May ibang stories na true story pero karamihan fiction.