I

9.6K 132 4
                                    

Nagmaganda akong lumabas ng classroom namin at pumunta sa classroom ng aking liligawan.

"Hoy! ikaw mag date tayo mamaya." Sabi ko sa kanya, pero imbis na pansinin ako Tumayo siya sa kanyang upuan at lumabas ng room sinundan ko sya hanggang sa makarating kami sa labas ng school.

"Uy, ano na date tayo." pagpipilit ko sa kanya, He stares at me like a devil.

"Ano bang problema mo babae ka? bakit ba ang kulit mo?" opps, naasar na ata sakin, pero dahil sadyang makulit ako binigyan ko sya ng ngiting pang commercial with puppy eyes.

"Ewan ko sayo." sabay bigay ng huwag mo kong susundan na look. woah scary, konti na lang baka masapak nya ang maganda kong muka.

Naiwan akong naka nga-nga sa tapat ng gate ng school namin. Grabe unang araw pa lang basted na ko. Dapat talaga may gawin akong nakakatuwa para mapansin nya ko.

"Oh, sara-sara mo yang bibig mo iha baka pasukan ng langaw. "napatingin ako sa nagsalita at si manong guard pala. Grabe to papansin paki nya ba kung naka nga-nga ko di naman mababawasan ang pagiging maganda ko eh.

Tinarayan ko syang umalis at bumalik ng classroom, Nadatnan ko ang aking kaibigan na si Din at sinalubong ako.

"Hey gorgeous Brianna, nabasted ka no?" tanong sakin ni Din.

I look at her weirdly, "Ha? pano mo nalaman?" tanong ko sa kaibigan kong baliw.

"Kasi naman po bakas sa muka mo. HAHAHA." sabay tawa ng napakalakas with matching hampas.

aba bastos to, anong nakakatawa? na basted na nga ko ganyan pa sya. At dahil dun binigyan ko sya ng isang malakas na pektus.

"Aray naman." pagrereklamo nya.

"Eh baliw ka eh." sabi ko sa kanya.

"Sino kayang mas baliw satin, sino bang matinong babae ang manliligaw sa isang lalaki, na kung tutuusin sila dapat ang nanliligaw ha? sabihin mo nga brianna sino?" pinandilatan niya ko ng mata.

"Aba bakit may rules na ba na bawal manligaw ang babae wala naman ah? tsaka sa panahon ngayon di na uso ang pabebe tandaan mo yan Din." pinanlakihan ko rin siya ng mata.

"Laki rin ng nawalang tornilyo sa utak mo no, ang ganda mo, ang daming nanliligaw sayo, pero ikaw pa tong nanliligaw sa taong di ka man lang pinapansin. ano bang nagustuhan mo sa lalaking yun?"

"Hindi ba pwedng gusto ko lang sya at yun ang dahilan." sagot ko.

"Hay ewan ko ba sayo brina." pag gi-give-up niya.

bumalik na ko sa upuan ko at saktong dumating naman ang prof. namin.

after ng mahabang oras ng pag-upo sa klase, uwian na rin sa wakas at bukas ko na ipapagpatuloy ang panliligaw ko sa kanya.

iniisip ko pa lang ang gagawin ko baka kiligin na siya tapos dahil kinilig siya yayain niya na kong magpakasal.


itutuloy...

Courting Mr. SnobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon