XX

2.9K 63 2
                                    


      Lumapit sa akin sila Din, hahabulin sana ni Justine si Joshua kaso pinigilan ko siya dahil baka masapak lang nito si Joshua. Si Lance naman ay niyakap ako, at pinapatahan. Humiwalay ako sa pagkayap ni Lance at umalis, sabi ko na huwag na akong sundan dahil gusto kong mapag-isa.

Dumiretso ako sa kwarto ng bahay ko at doon umiyak, kinuha ko yung notebook ko at binuksan. Bumungad sa akin ang Steps para mapasagot si Joshwaaa.

1. bumili ng kahit anong gamit at ibalot sa wrapper na chocolate ang design. √√

2. mag send ng nakakakilig na messages araw araw. √√

3. magbigay ng valuable. √√

4. the best way to win the man's heart is through his stomach. √√
uo
5. Haranahin siya. √

dinagdag ko yung pang-anim at nilagyan ng check.

6. Date with him. √√

Tiningnan ko yung notebook ko at naisip na hindi effective yung ways ko. Napailing ako, hindi.

effective yung ways ko, kung sa ibang lalaki ko ito ginawa baka nga sa second step pa lang kami na, sadyang matimbang lang yung kalaban ko kaya ito ako ngayon sawi, next time dadamihan ko na yung pagkain ko para ako na ang mas matimbang sayo.

Binatukan ko ang sarili ko, naisip ko pa talagang mag-joke sa sitwasyon kong ito, na halos madurog na yung puso ko.

Humiga ako sa kama at naramdaman ko ang pagpikit ng mata ko.

****

Today, I caught myself smiling then I realized, I was thinking of you. :)

You can fall from the sky, you can fall from a tree but the best way to fall.. is inlove with me. :)

Mahigit 3 weeks ko ng hindi nakikita si Brianna, start na daw ng Ojt nila kaya busy siya.

Bakit nga ba hindi ko siya sinagot? hindi ko rin alam, bakit nga ba nagpadala ako sa panaginip ko? alam kong matagal ng wala si Catherine pero hindi pa rin siya mawala sa isip ko. Hindi ako nagsinungaling sa kanya nung sinabi ko na gusto ko na siya, Ang gusto ko lang sigurado na ko sa nararamdaman ko para hindi ko siya masaktan, kaso dahil sa ginawa ko nasaktan ko siya. Tama siya dapat nung una pa lang sinabi ko na, kaso sasagutin ko naman talaga siya kaya lang nagulo dahil sa panaginip ko
Gustong-gusto kong sabihin sa kanya na May pag-asa naman siya sa akin. Pero mas matimbang talaga si Catherine sa puso ko, hindi pa ko handa na alisin siya sa buhay ko. Kaya kung magkikita man tayo,
Gusto kong humingi ng sorry, sorry sa pagiging pa-asa.

sorry brianna.

***
End. :)
***

N: Ito na po ang wakas. Maraming salamat sa mga nagbasa nitong story ko.
Pasensya na hindi ko na abot ang expectations niyo.
Ito yung first story ko na mahaba, more on short story kasi ang ginagawa ko.

Kung tatanungin niyo po kung anong nangyari, tama hindi naging sila.

Epilogue? :)

Courting Mr. SnobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon