II

5.6K 105 0
                                    

              Waahh, Di ko alam kung pano ko gagawin ang panliligaw sa kanya. Syempre diba ano nga naman bang alam ko sa panliligaw babae ako? Aha alam ko na gagayahin ko na lang kung pano manligaw ang mga boys sa akin,kaya lang parang ang pangit naman dapat may sarili akong version maganda kasi ako.

          Inayos ko ang sarili ko at pumunta sa mall para mamili ng ingredients para sa aking ibi-bake. Napahinto ako sa paglalakad ng ma realize ko na baka hindi niya kainin ang gagawin ko. kaya pumunta na lang ako ng NB, libro na lang ang ibibigay ko sa kanya.
        Nag-ikot ikot ako at tumitingin ng magandang libro.
       Kinuha ko yung Fifthy Shades of grey, oops wrong, pinalitan ko ito ng Mortal Instrument, after kong bilhin binalot ko sya sa malaking wrapper na chocolate ang design. Diba chocolate sya sa labas pero libro talaga siya ahihi kung ako bibigyan ng ganito kikiligin ako kaya dapat kiligin din sya.
**

        "Hoy brianna, bat muka kang zombie ngayon." pambungad sakin ni Din ang kaibigan kong magaling.

      "ikaw nga araw-araw eh, haha ito naman syempre joke lang"  binawi ko agad ang sinabi ko dahil mukang makakatikim ako sa kanya.

      "Ano bang nangyari?" tanong niya.

      "Napagod ako at napuyat, bumili kasi ako ng ibibigay ko kay Joshua, nasagot ko naman na siguro ang tanong mo kaya ok na huwag ka munang maingay matutulog muna ko gisingin mo na lang ako pag andyan na prof. natin k?" di ko na rin siyang narinig mag salita, nakayuko na ko at ramdam ko ang unti-unting pagpikit ng mata ko.

          "Ano yun parang lumilindol. ay hindi may gumigising sakin si Din siguro to." bumalik ulit ako sa pagtulog, pero maya maya parang ginigising ulit ako.
  
         "Mamaya na Din wala pa naman yung prof. nating laging late ng 30 mins. hindi naman sya ganun kagaling mag turo. kaya patulugin mo pa ko."

         "I will take it as a compliment miss Brianna, and because of that, you're absent today and you may now leave the classroom." kalma nitong sabi.

        Napantig ang tenga ko at napatayo bigla. hinawakan ko ang kamay ng professor ko at nag sorry  dahil baka ibagsak ako nun,v pinatawad naman nya ko pero absent pa rin raw ako dahil sa pagiging tamad.

        Dumiretso ako sa rooftop pagdating ko doon nagulat ako dahil andun si Joshua nay hawak itong libro, nilapitan ko siya at binigay sa kanya ang regalo ko na sa sobrang lapit ng pagkaka abot ko pwede na silang mag palit ng mukha, pero tinitigan nya lang ito.

         "Sana tanggapin mo ito,  ito ang pangalawang araw ng panliligaw ko sayo." sabi ko kay Josh.

      "Second day ng panliligaw?" di niya makapaniwalang tanong.

     natahimik ako dahil iba yung aura niya.

  "bakit pumayag ba kong magpaligaw sayo?"


itutuloy.....

Courting Mr. SnobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon