"ako na lang diyan ate sab" kasalukuyang naguluto kami ni ate sab."sige, ihahanda ko lang yung ibang ingredients." umalis si ate sab, at nase-sense kong may masamang aura ang nakatingin sakin.
"bakit close na kayo agad ni ate?"
"mabait kasi at maganda kami"
"si ate oo, pero ikaw" tiningnan niya ko at napa iling.
"Ang kapal, if I know sinabi mo kay ate sab na maganda ako"
"wala kong sinabi" pagtatanggi niya, pero pansin ko ang pamumula ng tenga niya.
"sus, kunwari pa."
"hindi nga sabi" inis niyang sabi.
"oh L.q kayo?" saktong dating ni ate sab.
"anong l.q? asa siya." sabi ni josh, sabay puntang sala.
Ansakit, asa daw ako -_- ngumiti na lang ako kay ate sab para hindi halatang naapektuhan sa sinabi ni josh.
"naku, pagpasensyahan mo na yun, meron ata." natawa naman ako sa sinabi ni ate.
"hindi po, tanggap ko naman po ugali nun haha"
ito na ang 4th step para mapasagot si joshwaa, tapos na kaming magluto ni ate sab, pero naghiwa lang siya.
hinanda ko na ang niluto ko at pinapunta na sa table para kumain."kain na josh" pagyaya ko sa kanya.
sumunod naman siya, mukhang di na rin siya galit. Ang O.a naman yata niya kung magagalit siya dahil lang doon.Kasalukuyang naka upo na kaming tatlo sa table, pinauna ko na silang tumikim sa niluto ko.
"so? anong lasa niya?" tanong ko.
"masarap, grabe ang galing mong magluto brianna." pagpupuri ni ate sab, tumingin naman ako kay joshua, at nag aantay ng isasagot niya.
"hindi na masama, pantaong pagkain naman" sagot niya.
"tss, sinungaling ka josh, ang sarap kaya, ilang taon ka na ba brianna?"
"17 po turning 18." sagot ko.
"wow, ang bata mo pa pero ang galing mo ng magluto mga kabataan kasi ngayon ang alam lang ay kumain hindi na marunong gumawa ng gawaing bahay."
"kailangan po kasi, at ayoko ring dumepende sa mga taong nakapaligid sa akin, hindi naman kasi sa lahat ng oras andyan sila para sayo kaya kailangan mo ring matuto." sagot ko kay ate.
"hindi ka ba nabibilib kay brianna?" biglang tanong ni ate kay josh.
"marami namang kabataan ang marunong na ng gawaing bahay tss." dagdag ni josh.
"yabang, hindi naman siya marunong." sarkastikong saad ni ate sab. natawa na lang ako sa kanilang dalawa at nag-umpisa na rin akong kumain.
Ilang sandali lang natapos na kaming kumain, tiningnan ko ang reaksyon ni josh at nakita kong napangiti siya, nung nakita niya kong nakatingin sa kanya biglang nagseryoso ang mukha. Ano yun? napaka moody masyado.
Niligpit na namin ang aming pinagkainan, at dumiretso sa sala para manuod.
"Dito ka na lang kaya matulog" aya ni ate sab.
"eh? ahm.."
"kung inaalala mo ang mga magulang mo, don't worry ipapag pa-alam kita."
"ok lang ba?" tanong ko.
"Oo naman, diba josh?"
"kayo bahala, hindi naman ako yung mag papa-alam" sabi ni josh.
"so, ok na. akin na yung number niyo sa bahay, ipapag-paalam na kita"
"ahm,kasi ate ako lang naman mag-isa sa bahay."
"ha, bakit? nasan yung parents mo?"
"nasa ibang bansa sila" sagot ko.
"ang lungkot naman nun, kaya pala sanay ka sa mga gawaing bahay."
"haha opo."
Hindi na namin tinapos yung pinapanuod namin dahil inaantok na rin kami ni ate sab mag aalas dose na rin kasi, si joshua, kanina pa pumasok sa kwarto niya baka tulog na yun. Hinatid ako ni ate sab sa guest room nila at binilinan na kung may kailangan daw ako katukin ko lang yung kwarto nila.
****
Hindi parin mawala sa isip ko si brianna, siya lang pala mag-isa sa bahay nila sure akong malungkot siya, kami nga ni ate hindi ganun kasaya pano pa kaya siya?
Pakialam ko ba kung mag-isa siya? tama dapat wala kong pakialam sa kanya. Naala ko bigla yung luto niya masarap talaga, ang galing nga niya eh.
Loving you is like breathing, how can I stop?
Hindi ko alam kung san nakuha ni brianna itong kakornihan na ito, pero aaminin ko napapangiti ako sa mga kakornihan niya, kadiri ang bakla.
Nagulat ako ng may kumatok sa kwarto ko, ano naman kayang kailangan nito ni ate sab, binuksan ko ang pinto at bumungad sa akin si brianna.
"ay sorry, akala ko ito ang kwarto ni ate sab" aalis na sana siya.
"bakit may kailangan ka ba?" tanong ko.
nag-aalingan siyang magsalita, at pansin kong namumula siya.
"ahm, kay ate sab na lang ako pupunta" taranta niyang sagot.
"panigiradong tulog na yun, hindi mo na magigising yun, tulog mantika yun eh"
Bakas sa mukha niya na hindi siya mapakali at nag aalinlangan kung sasabihin ba nito ang problema sa kanya.
"kasi josh, meron ba kayong ano, kasi kailangan ko lang" hindi nito maintindihan ang sinasabi ni brianna.
"anong ano?" takang tanong nito.
"aish, pano ko ka ba to sasabihin" mahinang sabi ni brianna.
Nakaramdam na ng antok si joshua habang inaantay ang sasabihin ni brianna.
"ano may sasabihin ka pa ba?" naghikab itong tanungin ng binata.
Huminga ng malalim sa brianna, tila humuhugot ng lakas para masabi niya ang kanyang kailangan.
"Ano kasi, may stock ba ng napkin si ate sab, wa-wala kasi akong nakita sa c.r " mahina at nakayukong sabi ni brianna.
Nawala ang antok ni joshua sa sinabi ni brianna at napakamot sa ulo.
"meron doon sa cabinet." mabilis nitong tugon at umiwas ng tingin sa dalaga.
"sa-salamat." sabay talikod nito.
Nagmadaling pumunta si brianna sa may cabinet at ginawa ang dapat niyang gawin, pumasok ito sa guest room.
Binatukan niya ang kanyang sarili.
"ang shunga mo brianna, bakit mo nakalimutan na magkakaroon ka ngayon, shizz nakakahiya." kinakausap niya lang ang sarili at nagpagulong-gulong sa higaan.
kahit makapal ang mukha ni brianna, kahihiyan para sa kanya ang ginawa niya.
pano na to bukas?
itutuloy…
***
N: Hello there :) Please Don't forget to vote and comment.
BINABASA MO ANG
Courting Mr. Snob
Teen FictionSana tanggapin mo ito, ito ang pangalawang araw ng panliligaw ko sayo." sabi ko kay Josh. "Second day ng panliligaw?" di niya makapaniwalang tanong. natahimik ako dahil nag iba yung aura niya. "bakit pumayag ba kong magpaligaw sayo?"...