Nakaka ilang beses na kong pabalik-balik sa paglalakad dito sa aming sala, hindi ko alam kung bakit, naguguluhan lang ako ng hindi ko alam kung ano ang dahilan."tumigil ka nga josh, ako yung nahihilo para sayo eh, halos maka 100 ka ng palakad-lakad diyan " saad ni ate sab.
"100 na ba? nabilang mo?" lutang kong tanong kay ate, sabay lakad ulit.
"hindi 101 na, nadagdagan na, naglakad ka kasi ulit ." pilosopong sabi ko. "ano bang problema mo?" inis na tanong ko kay joshua.
tumingin ako kay ate sab na lutang.
"hindi ko rin alam kung anong problema ko" sabi ko kay ate.
"parang alam ko na." sabi ko sa kanya.
"talaga?" manghang tanong ni joshua sa akin.
"hindi "ano" ang problema mo kundi "sino" sagot ko sa kapatid ko. Tiningnan niya ko ng nagtataka at nag aantay ng susunod kong sasabihin.
"Si brianna ba?" pagtutuloy kong tanong kay josh.
"Bakit ko naman po-problemahin yung babaeng yun, wala naman akong paki alam sa kanya no, tsaka bakit ko naman siya iisipin." depensang sagot ko kay ate sab.
"ok, sabi mo eh" binigyan niya ko ng mapanuksong ngiti.
May mali ba sa sinabi ko? tanong ko sa aking sarili.
"Sarili mo lang makakasagot diyan sa problema mo, Actually ikaw lang ang nagpapakomplikado ng simpleng bagay." sabi ni ate sab at iniwan niya ko doon sa sala.
Ano daw? mas lalo akong naguluhan sa sinabi ni ate, ang gulo talaga ng mga babae ayaw sabihin ng diretso yung mga pinagsasabi nila, kailangan pang ipahula, hindi naman kami kamag-anak ni Madam Auring. Tapos pag hindi mo na gets yung sasabihin lalong maiinis sayo.
Pumunta na lang ako sa kwarto ko at dumiretso sa higaan ko at kumuha ng isang letter na nakalagay sa table sa tabi ng aking kama.
"Being inlove with you is a wonderful feeling." :)
Pagkabasa ko nito napangiti ako, hindi ko alam kung tama ba itong nararamdaman ko, kinikilig ako? o baka naman tinatawag lang ako ng kalikasan kaya ganito?
"Josh" narinig kong tinawag ako ni ate sab, kaya lumabas ako ng kwarto."bakit?" tanong ko. Umupo siya sa may sala, kaya sumunod ako sa kanya.
"anong tingin mo kay brianna?"
"bakit anong meron sa kanya?" tanong ko kay ate sab.
"ikaw nga tinatanong ko eh, sagutin mo na lang" pagbabanta niya.
"Ok naman siya." tipid kong sagot.
"yun lang?" pinanliitan ako ni ate ng mata at parang hindi kumbinsido sa sinabi ko.
"Mabait at maganda"dagdag ko. Pinanliitan niya ulit ako ng mata.
"ok fine, masaya siyang kasama, natutuwa ako sa mga ginagawa niya, nasanay na ko sa kalokohan niya at parang ayaw ko siyang mawala sa akin." sabi ko, mukhang kumbinsido naman na siya sa sinabi ko, dahil napangiti siya.
"baka naman gusto mo na siya?" tanong ni ate na kinagulat ko.
"imposible." halos pabulong kong sagot kay ate sab."imposible? bakit? dahil ba kay Catherine?" saad niya.
"Si Catherine? siguro nga ate."itutuloy...
***
N: Don't forget to Vote and Comment :)
thanks.
BINABASA MO ANG
Courting Mr. Snob
Teen FictionSana tanggapin mo ito, ito ang pangalawang araw ng panliligaw ko sayo." sabi ko kay Josh. "Second day ng panliligaw?" di niya makapaniwalang tanong. natahimik ako dahil nag iba yung aura niya. "bakit pumayag ba kong magpaligaw sayo?"...