"matatawa ka talaga haha pag nakita mo hahaha lang haha yung muka nya kanina hahaha"
"Oo nga josh bakas sa mukha mo na tuwang tuwa ka, kahit nga sa pag kwento happy na happy ka."Huminto ako sa pagtawa, basag trip tong kapatid ko.
"Sino ba yang tinutukoy mo? at parang natutuwa ka talaga sa kanya? " tanong ni ate Sab"Siya yung babaeng sinasabi ko sayo na nagyayang makipag date sakin."
"Oh? talaga? kala ko ba di mo na papansinin yun?"
"hindi nga, sobrang kulit nun ate nakita niya kasi ako sa rooftop tapos may binigay sya hindi ko naman kinuha " kinwento ko lahat ng nangyari kay ate kanina.
"Haha that was epic, pero I find it cool and pretty. Feeling ko sinasadya nyang maging ganun para mapasaya ka niya." napaisip ako sa sinabi ni ate, sinasadya? hmm interesting.
pagkatapos namin mag kwentuhan pumunta ako sa aking kwarto.
Ito ang buhay ng dakilang snob, ang humiga buong araw. hindi naman talaga ako snob slight lang, sadyang tinatamad lang akong makipag-usap sa mga tao. Hindi ko sila pinapansin kasi lalo lang magpapansin yung mga yun. Sa labas lang ng bahay ako ganito pero pag sa family hindi, Pero dahil sa isang makulit na babae nagawa niya kong pagsalitain, si Brianna I know her, gusto siya ng halos karamihan ng lalake sa campus.****
Maaga akong pumasok sa school at pagdating ko sa upuan ko may nakita akong box. binuksan ko iyon at may nakita akong isang letter.
Hi Joshua,
Good Morning :) Smile ka lang para mas gwapo ka lalo.
alam mo bang ikaw ang dahilan kung bakit ako nag da-drawing ng heart sa notebook ko. :)
Brianna heart JoshHindi ko alam kung ngingiti ba ko o ano. tinabi ko na lang ito at nilagay sa bag ko.
Ganun ba talaga ang mga babae? pag may gusto sila nag da-drawing ng heart? para masagot ang tanong ko pinuntahan ko yung babae kong classmate at kinuha ang notebook niya, tiningnan ko yung likod ng notebook nya at nakita ko ang Michael hart hart
na nakasulat, and that answer my question.Lumabas ako ng room dahil absent daw ang prof. namin at habang papuntang rooftop narinig ko ang mga babaeng nagtitilian. "tsk ingay" sinamaan ko sila ng tingin. narinig ko pa ang bulong-bulungan nila.
''Ang pogi nya pa rin"
"Cool"
"Kyaah grabe no, kahit snob lakas ng dating"
"Yabang"Napahinto ako sa paglalakad at tiningnan kung sino ang nagsalita, isang lalaking hindi ko kilala, nilapitan niya ko.
"Lance pare, Gusto ko lang linawin sayo na wala akong pakialam kung ikaw yung nililigawan ni brianna, hindi pa rin ako titigil na ligawan siya. Nice meeting you." sabay alis.
napa iling ako sa lalaking kumausap sakin. dumiretso ako sa rooftop at nagulat ako sa nakita ko.
si Brianna at ang kalokohan niya.
itutuloy....
BINABASA MO ANG
Courting Mr. Snob
Teen FictionSana tanggapin mo ito, ito ang pangalawang araw ng panliligaw ko sayo." sabi ko kay Josh. "Second day ng panliligaw?" di niya makapaniwalang tanong. natahimik ako dahil nag iba yung aura niya. "bakit pumayag ba kong magpaligaw sayo?"...