VIII

4.1K 90 5
                                    


           I fell inlove with you,  I don't know how,
            I don't know when,  I just did. :)
  °°°
          Good Vibes, Take care :) Sasagutin mo pa ko. :*

         sinara ko ang pangatlo at pang-apat na letter, nakalimutan ko kasing magbukas kahapon masyadong busy. Hindi ko rin nakita si brianna kahapon, huling beses na nakita ko siya ay nung nasa 7/11 kami ni ate kaso tumakbo siya nung nakita namin. Pinilit pa ako ni ate na habulin siya kasi gusto ni ate sab na makilala siya, kaya lang ayoko bakit naman gustong makilala ni ate yung babaeng yun.

             Pagdating ko sa room konti pa lang ang mga  classmate ko napatingin ako sa relo ko, nagtaka ako kung bakit wala pa yung mga kaklase ko dahil 11 mins. na lang darating na ang professor namin.
      
            Maya maya nagsidatingan na sila ng nakapila at may tig-iisa silang hawak na cardboard at unti-unting hinarap.

           "Can I keep you forever? " ang nakasulat, kinikilig na ang mga kaklase kong babae, para kanino kaya ito?, sino nanamang kaklase kong babae ang magpapaloko sa ganyan?

            Ilang sandali lang pati yung mga lalaki nag-asaran narin, ewan ko kung kinikilig sila, lahat sila nakatigin sa may pinto, may pumasok na babae may dala ring cardboard
hindi ko na sila pinansin, kinuha ko yung libro ko at nagbasa.

            "Joshua".  Natigil ako sa pagbabasa, at kunot noo na tiningnan ang tumawag sa akin.

              "Can I keep you forever, Joshua?"  Ngiting tanong ni brianna.

                 "kyaahhh" tilian ng mga babae.
          
                 "Ako na lang brianna" sigaw naman nung isa sa mga nanunuod sa labas.

               "walang poreberrr" sigaw ng kaklase kong lalaki, nagtawanan naman sila.

              Lumapit sa akin si brianna at akmang bubulong.

          "Hindi kita mamadaliin dahil alam kong di ka pa ready, pero alam kong malapit na." kinalabutan ako sa sinabi niyang yan.
Humarap siya sa akin ng ngiting ngiti at inabot ang isang keychain na hugis puso na may naka-ukit na "Brianna".

              "Binibigay ko sayo ang puso ko, nasasayo yan kung iingatan mo, pero sana huwag mong hayaang makuha ng iba"  sabay kindat nito.

            "andyan na si sirrrr" sigaw ng kaklase ko, mabilis silang umupo sa kanilang mga upuan at nawala na rin ang mga tao sa labas.

            Lumapit ulit sa akin si brianna at sinabing "May kasalanan ka pa sa akin." after niyang sabihin yun tumakbo na siya palabas. At muntik pang mabunggo ang professor namin.

             Inasar pa ko ng mga kaklase ko ng dahil sa nangyari nagtaka naman ang prof. ko kung anong nangyari kaya kinwento nila at hanggang sa maubos yung oras ng pagdadaldalan nila.

        Tiningnan ko ang binigay sa akin ni brianna, at naalala ang kalokohan na ginawa niya.  teka ano nga ba yung huling sinabi niya? Ah yung may kasalanan daw ako, teka ako?

    Anong kasalanan ko sa kanya?

itutuloy....
   


**
N: Comment and Vote po kayo :)
    

Courting Mr. SnobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon