XIV

3.1K 70 2
                                    


Maaga akong nagising, pero hindi pa ko lumabas ng kwarto naalala ko yung kahihiyan na ginawa ko. Nag-ayos ako ng sarili ko at tiningnan kung natagusan ako, buti na lang at hindi.
Maya maya may kumatok sa kwarto, binuksan ko iyon agad at bumungad sa akin si ate sab.

"Good Morning Brianna, nakatulog ka ba ng maayos?"

"Good Morning din ate, Nakatulog naman po ako ng maayos."

Niyaya niya na ko sa baba para mag-breakfast.

Habang naglalakad nag-iisip na ko kung pano ang gagawin ko pag nakita ko si joshua.
Una: poker face
pangalawa: act normal at
pangatlo: huwag siyang pansinin.

Bumungad agad sakin ang muka ni joshua at dahil doon nadali ang tuhod ko sa lamesa. Bumakas sa mukha ko ang sakit.
shizz yung una pa lang na gagawin ko failed na. Naupo na agad kami ni ate sab at nag start ng kumain.

Kukuha sana ulit ako ng ulam, kaya lang natigilan ako ng parehas kami ni joshua na nakahawak sa serving spoon. Inalis ko agad yung kamay ko at uminom ng tubig.
Ghaadd Act normal brianna, Act normal lang hindi ito ang tamang oras para kiligin.

Pagkatapos naming kumain, umakyat agad ako sa kwarto para kumuha ng susuotin ko, good thing namili ako sa mall kahapon at dumiretso sa c.r para maligo, hindi na ko pinaglipit ni ate sab dahil sila na daw ang bahalang mag-ayos.

Pagkatapos kong maligo at mag ayos bumababa na ulit ako.

Nagpaalam na kong umuwi kay ate sab.

kroo kroo. awkward silence.

Kasalukuyang nasa jeep kami, kasabay ko si joshua, pinahatid kasi siya sakin ni ate sab tumanggi nga ko dahil nahihiya ako kay joshua kaso mapilit si ate sab kaya pumayag na lang ako kung hindi lang sa katangahan ko kagabi tuwang tuwa pa sana ko ngayon.

Pagkakababa namin, bumungad samin ang muka ni justine, lance, at Din na nag-aantay sa tapat ng bahay.

"briannaaa" sabay sabay nilang sigaw.
napatingin sila sa kasama kong si joshua at binigyan ako ng look na bakit kayo magkasama.

"tara pasok muna kayo" pagyaya ko sa kanila si joshua naman ang pinilit ko kaso sabi niya uuwi na daw siya.

"sige bye, ingat ka" nginitian niya lang ako. Ghadd? totoo ba to nginitian niya ko sheeeeet of paper naman siya.

Ngiting-ngiti akong pumasok sa loob, at nakita kong naghaharutan silang tatlo,okay kailan pa sila naging close sa isa't-isa?

"saya niyo ata" sabi ko sa kanila

"ikaw nga itong masaya eh" sabi ni justine

"aba't san ka galing babae? agang-aga gumala ka?" Din

"Oo nga, atsaka bakit kayo magkasama ni joshua" pagsang-ayon ni lance pero may halong tampo sa boses niya.

"Chill, galing ako sa kanila, doon kasi ako natulog." explain ko sa kanila.

"whaat?" sabay sabay nilang tanong.

"you mean doon ka natulog kina joshua, tapos ano, napahinto siya sa sinabi niya at napatakip sa bibig.
"Oh my god brianna bakit mo naman binigay agad hindi ko naman alam na ganyan ka na ka desperate sabi mo liliga-- "

pinahinto ko si brianna sa pinagsasabi niya I don't get her, anong binigay ko? baliw ba siya.

"what the hell are you talking about?" irita kong tanong sa kanya.

"naks english" sabi ni justine

"dapat pala hindi iniinis si brianna nag e-english eh" sabi naman ni lance at nag apir pa silang tatlo sabay tawa. Tiningnan ko sila ng masama

"May nangyari naba sa inyo ni joshua?" diretsong tanong ni Din.

"Siraulo, anong pinagsasabi mo, walang nangyari samin no, atsaka andun yung ate niya? "

"so pag wala doon yung ate niya susuko mo bataan mo." dagdag ni justine sabay ngiti ng nakakaloko.

"fuck you, di ako kagaya mo no."

"Huwag dito brianna nakakahiya, andito mga kaibigan mo atsaka maaga pa." what the hell, binatukan ko siya ng malakas.

"bastos mo parin kahit ngayon, walang pinagabago mas lumala ka." sabi ko kay justine, tinawana niya lang ako.

"Naging kayo ba?" takang tanong ni Lance.

Tumawa ko ng malakas, dahil sa sinabi ni Lance.

"Oo naging kami kaso siraulo siya kaya ayan." sabi ko, Namutla naman si lance.

"joke lang, tropa ko yan eh." pagbabawi ko ng sinabi ko.

"bakit nga pala close na kayo? tsaka pano kayo nagkakilala?" ako naman ang nagtanong. Kinuwento naman nila.

Si Din daw pupunta talaga dito sa bahay kaso pagdating niya daw andito na si lance tapos nagkita na rin daw sila sa mall kaya ayun habang inaantay daw nila ko nag-usap sila kaya mas naging mas close sila, sakto naman daw na dumating si justine, dahil magkakilala na si Din at justine pinakilala niya si Lance tapos nagkusundo agad yung dalawang mokong.

"Ah, ganun siguro pag parehas na loko-loko nagkakasundo agad." sabi ko.

Dinipensahan naman nila ang kanilang sarili, Kaya natawa kami ni Din. Pagkatapos nila kong daldalin pumunta na ko sa kwarto ko dahil inaantok pa ko at natulog.

Mga ilang oras din nagising ako at andito pa yung tatlo na nanunuod kanya kanya silang pwesto si Din naka-upo, si Lance naman nasa sahig at si justine naman ay nakahiga sa upuan nakataas ang paa, aba feel at home tong isang to.
hinayaan ko lang sila doon, tumabay lang silang tatlo sa bahay maghapon.

*****

konti na lang brianna, konti na lang talaga.

itutuloy....

***

N: Don't forget to vote and comment.

Courting Mr. SnobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon